Advertisers

Advertisers

PONDO NG MAHARLIKA FUND KUNIN SA SAHOD NI PBBM AT NG MGA SOLONS!

0 288

Advertisers

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kanyang lalagdaan ang bagong bersiyon ng Maharlika Investment Fund (MIF) sa sandaling makarating ito sa kanyang opisina.

Gayunpaman sinabi ng chief executive na bago niya ito lagdaan, kanya muna nitong rerebyuhin para makita ang buong panukala.

” I will sign it as soon as I get it. Am I happy, well that is the version the House and the Senate has passed and we will certainly look into all of the changes that have been made,” pahayag ni Pang. Marcos Jr.



Sa sandaling mapirmahan ito ng Pangulo, magigiging ganap na batas ang panukalang MIF.

Siniguro naman ng Pangulo na ligtas sa
pang- aabuso o korapsiyon ang Maharlika Investment Fund.

Pero marami ang duda sa panukalang batas na ito kabilang na si Senator Imee Marcos,eldest sister ni PBBM.

“Kahit pagsamahin pa ang dalawang bersion ng Senado at Kongreso,mas malaki pa rin ang risk na malugi ang gobyerno o maabuso ang pondo na mula sa pera ng mga kawawang taxpayers,pagdiriin pa ng senadora.

Ganito na lang kaya ang gawin ng gobyerno,isang taong sahod ng lahat ng senador,congressman at ng mismong Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang gamiting pondo sa Maharlika Fund?



Tutal sigurado naman ang ating mga mambabatas na kikita at magtatagumpay ang nasabing pet program ni PBBM.

Sa ganitong paraan,masisiguro ng taongbayan na safe talaga ang pera ng pamahalaan.

Isama rin sa Maharlika Fund ang mga kukunin o sisingiling “back taxes” ng gobyerno mula sa mga higanteng kumpanya na delinquent taxpayers o tax evaders.

Sapat na marahil ang halagang iyan para pondohan ang kontrobersiyal na Maharlika Fund.

Ano sa palagay nyo bayan?

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com