Advertisers

Advertisers

Jak ‘pinaglaruan’ ang syotang si Barbie

0 253

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA bagong video ni Jak Roberto, muli niyang pinaglaruan ang girlfriend na si Barbie Forteza.

Gusto kasi niyang malaman ang reaksyon ng  nobya sa kanyang latest hanash na gusto na umano niyang makipag-break dito.



“Sa mga nagtatanong ho ng updates sa amin ni Barbie, siguro napapansin niyo di kami masyado nagpo-post sa Instagram, sa social media, tungkol sa aming dalawa,” ani Jak.

“Hindi ko alam kung papaano sasabihin. Kaya ho kami nawalan ng updates sa isa’t isa kasi… Hindi ko alam kung may nasabi ba ako. Sorry, guys ha…” dugtong niya.

Ipinakita rin ni Jak ang video ng huli nilang pag-uusap ni Barbie kung saan sa prank, nakikita sialng nagtatalo dahil sa kakulangan ng panahon ng una sa huli.

“Alam mo ba, noong taping mo, napakabihira mo kayang mag-message. Naiintindihan ko naman nagtratrabaho ka. Minsan kapag gabi, pagod ka na. Sige, okay lang. Pero sa mga second week, third week, nasanay na ako, okay naman pala na ganito…” himutok ni Jak.

“Sabihin mo. So ang gusto mo, cool off? Cool off o breakup? Diretsuhin mo ‘ko. Sa’yo naman nanggagaling eh. Wala naman akong issue sa’yo,” pahabol ng Kapuso actor.



Marami naman ang na-curious sa pakulo na ito ni Jak at humamig ito ng humigit-kumulang na 2 million views sa kanyang Youtube channel.

Kaso naging epic fail ito dahil nabuking ni Barbie ang hidden camera na nakatutok habang nagbibigay ito ng kanyang ‘hugot.’

May mga nakumbinsi rin kasi sa hugot ni Jak kaya maging ang kanilang fans at followers ay nabahala rin para sa kanilang screen idols.

Gayunpaman, pagkatapos ng ‘bukingan’, nagbunyi ang kanilang mga faney na wala naman palang lovers’ quarrel ang dalawa at pakulo lang ni Jak ang umano’y pakikipaghiwalay kay Barbie.