Advertisers

Advertisers

Gigi de Lana nalimas ng scammer ang bank account; Vice Ganda may mensahe sa madlang pipol

0 201

Advertisers

Ni BETH GELENA

MAY mensahe si Vice Ganda sa Madlang People sa gitna ng rigodon ng kanilang noontime show.
Siniguro ni Vice na tuloy ang ligaya sa It’s Showtime kahit bago na ang kanilang tahanan.
Bagama’t marami ang natutuwa sa anunsyong eere na ang It’s Showtime sa GTV ng GMA Network sa July 1, hindi maikakaila na marami ang nakaramdam ng pagkalungkot dahil aalis na sjla sa TV5.
Ani Vice: “Dear It’s Showtime family, Alam kong nagulat kayo. Naguguluhan. Natatakot. Nalulungkot. Naiiyak. Haaaaay! Hingang malalim. May kaguluhan at kabilisan ang mga ganap,” aniya.
“Ganunpaman, kalma lang. Nakakabigla man ang mga nangyayari, sabi nga ng linya ko sa kanta natin, ‘Basta’t kasama Kapamilya, kahit ano pa ‘yan kayang-kaya!’ Sa daming mga pinagdaanan natin, kering keri na natin ‘to. Naranasan na natin ang ma-torture, mabugbog, ilibing nang buhay. Ngayon pa ba! Tapik na lang ‘to!” wika pa ni Vice.
“Madami mang walang kasiguruhan, pero sigurado akong mahal tayo ng minamahal nating Madlang People. At ang pagmamahal na yun ang bumuhay satin sa bawat paghihingalong naranasan noon. Ang puso ng Madlang People ang TOTOONG TAHANAN natin.”
“Kaya tuloy lang. Patuloy tayong magpasaya at magbigay ng pag-asa. Maniwala ka, ‘Ituloy lang ang sikap, sa dulo’y kikislap!’ Sa oras ng iyong panghihina at pagkalito ay sasamahan kita. Bubuhatin natin ang isa’t isa. Itataguyod kahit anong pagod. ‘Di kita iwan. Pahirin mo ang iyong luha. Itutuloy natin ang saya. Dito at doon. Damhin mo ang mahigpit kong yakap. Mahal na mahal kita!”
Nag-iwan din si Vice ng kataga tungkol sa pasasalamat dahil lahat umano ng nawawala sa buhay ng isang tao ay laging pinapalitan ng magandang bagay.
“Life is fascinating and makes you grateful. When it takes one thing from you it always replaces it with something else,” ibinahaging quote ni Vice.
***
MAINE UMAASA SA ‘ERAS TOUR CONCERT’NI TAYLOR SWIFT SA PINAS
Mina-nifest ni Maine Mendoza na dadalhin ni Taylor Swift dito sa Pilipinas ang kanyang “The Eras Tour’.”
Inanunsiyo ng 33-year-old global superstar na magkakaroon siya ng international concerts sa Europe, Asia, at Australia.
Pagkatapos daw na mag-break sa December at January, magre-resume ang concert sa Tokyo, Japan. Major cities such as Melbourne, Sydney, Singapore, Paris, Stockholm, Lisbon, Portugal, Madrid, Spain, Lyon, France, Edinburgh, Scotland, Liverpool, Cardiff, the United Kingdom, London, Dublin, Amsterdam, Zürich, Milan, Gelsenkirchen, Germany, Hamburg, Munich, Warsaw, at Vienna.
Sa August 2024, she will end the tour with two performances in London.
Sa Instagram naman ni Maine ay may nakapost na
“EXCUSE ME HI I HAVE SOMETHING TO SAY I can’t wait to see so many of you on The Eras Tour next year at these new international dates!” na sinulat ni Taylor sa Instagram.
Nakasuporta si Maine ss Swift fans as she “manifests” for American singer-songwriter to bring her “The Eras Tour” to the Philippines.
Ibinahagi niya ang Tweet ni Taylor at nilagyan ng caption, “Eras tour in Manila cutie!!! Hihi try lang.”
Ang mga fans kept their fingers crossed na masama ni Swift ang Pinas sa kanyang Eras Tour.
***
AYON kay Gigi De Lana, mula nang naaksidente siya ay sunud-sunod na ang hindi magagandang nangyayari sa kanya.
Isa na rito ay ang ma-scam ng taong wala umanong puso at nanakawan pa umano siya sa kanyang bank account.
Tuloy pa rin sa pamamahinga ang singer dahil sa nakita umanong nodules sa kanyang lalamunan.
Kwento ng singer, “Sinabihan pa umano siya ng nang-scam sa kanya ng “Get well soon,” at hindi na raw ito naawa sa kanya. Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagpapahinga ni Gigi dahil na rin umano sa nodules na nakita sa kanyang lalamunan.
Ani Gigi: “Simula ng naaksidente kami from car accident ang dami na nang scam sakin.”
Ang masaklap, sa isang phone call na mula umano sa scammer ang nagsabi pa ng “get well soon po kay ma’am Gigi”
“Tapos after ‘nun ninakawan na ako ng tuloy tuloy hanggang sa maubos laman. Grabe kayo. Di na kayo naawa.”