Advertisers

Advertisers

Arjo inalay ang best actor award sa dyowang si Maine

0 243

Advertisers

Ni JERRY OCAMPO

SUPER  proud  girlfriend si Maine Mendoza  sa  nobyong  si  Arjo Atayde for  winning  the Best Actor in a Leading Role sa Asian Academy   Creative   Awards  2020  para sa role na ginampanan niya sa I Want  series  na  “Bagman.”

Binati  ni Maine si Arjo sa kanyang Instagram  story  at  biniro  pa  niya  ito  kung  puwedeng  magpa-fansign.



“Not  surprised  at  all.  Iba  talaga  yung  Arjo. Congrats, @arjoatayde!  (puwede ba fansign?)”  post  ni  Maine.

Sa  pamamagitan  din  ng IG Story ay sinagot  ito ni Arjo. Ini-repost niya  ang  pagbati  ni Maine sa kanya  at sinagot din ang comment niyang  fansign.

“Pag  nagkita  tayo  ha?  Labas  mo  phone  mo…no  problem!  Hahahahaha”  bungad  ni Arjo.

Ang sumunod  na sinabi ni Arjo ay inaalay  niya ang best actor  award  kay Maine at nagpasalamat din siya  rito na may  kasamang bonggang, “ I love you.”

“This  ones  for  you..thank  you  bubs…to  my  inspiration…I   love  you  super  kaduper  much,” mensahe ni Arjo kay Maine.



Sa  kanyang  separate  IG post ay nagpasalamat  din si Arjo  para sa  tinanggap  na award  at  ipinagtapat  na  muntik na raw siyang mag-quit  sa  pag-arte  dahil  sa mga  nangyayari  ngayong taon.

“Considering  everything  that  has  gone  in this  year.  I  was  honestly  close  to  giving   up  this  craft.  I`m  passionate  about. But  I`m  taking  this  as   a  sign  that  things  happen  for  a  reason and  what`s   meant   to  be  will  be. This  recognition  is  mine  as  it  is  of  all  the people who made  this   possible,” bahagi ng post ni Arjo.

***

NAGPASALAMAT  si Ice Seguerra  sa kanyang  adoptive  brother na si Juan Carlos Seguerra dahil  on hand ito  sa pag-aalaga  sa kanyang  mga magulang  na sina Daddy Dick at Mommy Caring.

Year  2013  nang  ma-diagnose na  may  terminal  prostate cancer na ang ama ni Ice.  Lahat  ng treatment ay  pinagdaanan na ni Daddy Dick  kasama na rito ang series of  chemotherapy  at  radiation pero kumalat  na raw  sa buto  at  iba pang bahagi ng katawan ang  cancer cells  kaya  milagro  na  lang  ang magpapagaling sa ama ng singer.

Pero nandoon pa rin ang pananalig  ni Ice na madudugtungan  pa ang buhay  ng  kanyang  ama.

“Sa  kabila  ng  kanyang  kundisyon,  nakukuha  pa  ring magbiro ng  dad  ko,” pahayag nito.

Hiniling  ni Daddy Dick  kay Ice  na  bisitahin  ang kanyang  mga kamag-anak  at ang puntod  ng kanyang   yumaong  mga mahal sa buhay sa Calauag, Quezon.

Nagpasalamat  din si Ice  sa suporta ng long-time partner/wife na si FDCP Chairperson Liza Dino-Seguerra.

Samantala, ayon kina Ice at Liza ay tuloy pa rin umano ang  plano  nila  na magkaroon  ng sariling anak sa pamamagitan ng artificial  insemination.  Naka-freeze na raw ang mga egg cells ni Ice at ang sperm cells ng kanilang American male donor. Ang gagawin na lang daw  ay ililipat  na lamang kay Liza kapag handa na itong magbuntis  para sa kanilang magiging baby ni Ice.