Aiko rumesbak nang batikusin sa pagti-Tiktok sa QC session hall; Sharon inilantad ang bagong ‘anak’ sa showbiz
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
WALA namang sesyon nang isagawa ang pagti-Tiktok ng politician-actress na si Aiko Melendez sa QC hall.
Unang bidyo ay kasama nito ang QC SK Federation President at actor na si Julian Trono na aliw na aliw sa pagti- Tiktok
Pangalawang bidyo ay ang Tiktok ni Aiko kasama ang kanyang tatlong kapwa konsehal na sina Doray Delarmente, Chuckie Antonio at Wency Lagumbay.
Hati ang reaksyon ng netizens, may natuwa at may umalma sa ginawa ng local officials na pagti-Tiktok sa session hall.
Ani ng netizens, ‘di naman daw nila ibinoto ang mga konsehal sa ganung gawain.
Dagdag pa ng isang netizen, wala naman daw masama sa Tiktok pero sana raw ay ‘wag sa session hall.
Sagot naman ni Aiko sa namba-bash sa kanilang pagti-Tiktok, wala pa naman daw sesyon nang gawin nila Tiktok.
Besides, alam daw nito ang ruling na magalang na sagot ni Aiko sa mga basher.
***
SA latest IG stories ng Megastar na si Sharon Cuneta, ibinida nito na excited na siya sa bago niyang anak.
Ipinakita na nga ni Sharon ang bago nitong anak-anakan sa showbiz.
Si Julia Montes daw ang huling anak anakan ni Sharon sa longest action serye na Ang Probinsiyano ni Coco Martin.
Sa latest pics nito sa kanyang IG ay ipinakita ni Sharon ang bago nitong anak sa industriya at makakasama pa niya sa film as a son.
Ongoing na nga para sa kauna- unahang pagkakataon na magkakasama sa big screen ang Pambansang Bae na si Alden Richards at ang Megastar.
Si Alden nga raw ang bagong anak ni Sharon sa latest film na pagsasamahan nila entitled A Mother and A Son Story.
Kaya ganun na lang ka-excited si Sharon dahil now lang niya makakatrabaho ang bago niyang anak-anakan sa industriya.
Well, well, well…Yun na!