Advertisers

Advertisers

Piolo nagsuot lang ng alahas nang bigyan ng anak na si Inigo

0 153

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

HINDI gumagamit ng jewelry si Piolo Pascual. Pero nagsuot na siya nang bigyan siya ng anak na si Inigo Pascual noong nakaraang Father’s Day ng isang necklace na Infinity Zen Harmony.
“It was really special. Yesterday (Sunday) was the last day of our run, of Ibarra (stage play ni Piolo) And he was there. This is his gift (sabay pakita ng suot na alahas),” sabi ni Piolo sa isang panayam sa kanya noong Lunes.
Patuloy niya,”I don’t wear jewelry. I don’t even wear jewelry, he gave me an Infinity necklace, so that’s why I’m wearing it.
“And he came to the show yesterday. He stayed. So he spent Father’s Day with me, and we told each other that every Father’s Day, we have to be together.
“And I was really happy he’s back. He’s been here for a week now. So we’re doing projects together as well.
“And he’s growing to be you know… a very talented young man. He’s turning 26 already and he’s doing a lot of projects here and in the States as well.
“So I’m just happy for, you know, how he is evolving, how he is becoming independent, and a total performer actually, you know. He made me listen to his songs yesterday. And I said, ‘Ako na ang magpo-produce ng album mo.’
“Napakaganda ng mga songs that he composed. And I’m just really excited for what’s in store for him because he’s gonna release his album anytime soon,” paliwanag pa niya.
So, talagang mahal lang ni Piolo ang anak na si Inigo kaya napasuot tuloy siya ng jewelry. At para hindi rin masabi ni Inigo sa kanyang Daddy Piolo na binigyan niya ito ng alahas tapos hindi naman gagamitin.
***
ALLAN, JOSE, WALLY AT MAINE, ‘DI MUKHANG PERA
INALOK pala ng dobleng talent fee sina Maine Mendoza at Allan K ng TAPE, Inc. para lang manatili sa Eat Bulaga.
SA panayam kay Allan K ni Julius Babao para sa show nitong Unplugged, sinabi ng komedyante na inalok sila ni Maine Mendoza ng Tape Inc. ng dobleng talent fee para manatili lang sa Eat Bulaga at hindi sumama kina Tito, Vic and Joey na iwan ang show.
Kwento ni Allan, sa unang general meeting pa lang nila ay inanunsyo na raw na ang mare-retain lang sa ‘Eat Bulaga’ ay ang TVJ at silang tatlo nina Jose Manalo at Wally Bayola. The rest ay tsugi na.
Hanggang sa naiba na nang naiba at nagkagulo-gulo na raw. Muli ay nag-meeting daw silang tatlo (Allan, Wally and Jose) with the management at dito na nag-offer ng dobleng talent fee.
“Miniting kaming tatlo, we were offered this much. Sabi namin ‘,hindi naman po ganoon kadaling magdesisyon. Can you give us time?’
“Pero yung miniting na yun, kinuwento rin namin sa lahat. Hindi kami traydor!” sabi ni Allan K.
Naikuwento rin niya na sa pangalawang meeting ay kasali na si Maine at inalok din ng dobleng TF pero tinanggihan nila ang offer.
Katuwa sina Allan, Maine, Jose at Wally, hindi sila nasilaw sa pera. At ipinakita nila na mahal talaga nila ang TVJ, di ba?