Advertisers

Advertisers

CHRISTMAS PARTY BAWAL, PANGANGAROLING MAY AGE LIMIT

Sorry mga bata?

0 427

Advertisers

HINDI muna maaaring magsagawa ng Christmas party sa mga opisina man ng gobyerno o mga pribadong mga kompanya, habang may age limit naman ang pangangaroling sa Metro Manila, ayon sa samahan ng mga alkalde sa rehiyon.
Pahayag ni Metro Manila Council chair at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, mayroon silang guidelines at magbibigay sila ng panuntunan sa lahat ng mga lokal na pamahalaan sa pagdaraos ng Christmas party.
Ito ay matapos nilang mapagkasunduang ilagay ang rehiyon – ang itinuring na episentro ng coronavirus – sa GCQ hanggang sa katapusan ng taon.
“Under GCQ bawal pa ang parties. Ang ating NCR (National Capital Region), nagkasundo ‘yung ating mayors na under GCQ muna tayo, magluluwag lang para makasuporta sa ekonomiya pero hindi muna mag-MGCQ (modified GCQ). Konting tiis na lang ito,” ani Olivarez.
Ipinunto pa ni Olivarez na mahigpit pa rin ipapatupad ang panuntunang hindi dapat lumagpas sa 10 ang puwedeng magsama sa anumang pagtitipon.
Sa halip, hinimok nila ang pagkakaroon ng virtual Christmas party.
Sa ilalim ng GCQ ipinagbabawal ang pagdaos ng mga party.
Samantala, pumayag naman ang mga alkalde na mangaroling ang mga may edad 18 hanggang 65 anyos.
Subalit kailangan na hindi lalampas sa 10 sa bawat grupo at hanggang alas-12 ng hatinggabi lang puwedeng mangaroling. (Josephine Patricio)