Advertisers

Advertisers

Police Gen. na 7 months na-coma sa bumagsak na chopper pumanaw

0 325

Advertisers

PUMANAW na ang isa sa apat na police generals na sakay ng helikopter na bumagsak noong Marso sa Laguna.
Kinumpirma ni PNP Chief, General Camilo Cascolan, na namatay na si Major General Jovic Ramos matapos ang halos pitong buwan na pagkaka-comatose sa ospital.
Naging kritikal si Ramos nang bumagsak ang kanilang sinasakyang helikopter sa Laguna kasama si dating PNP Chief Archie Gamboa, at iba pang opisyal ng PNP na nakaligtas sa aksidente.
Ayon kay PNP Spokesperson, Col Ysmael Yu, madaling-araw nitong October 20 binawian ng buhay si Ramos sa Asian Hospital sa Muntinlupa City.
Miyembro si Ramos ng PMA Sinagtala Class of 1986, mistah nina Cascolan, Gamboa, Oscar Albayalde at Senator Ronald Dela Rosa.
Agad namang na-cremate ang labi ni Ramos na dinala sa Eternal Gardens sa Sta. Rosa, Laguna.
Si Ramos at si MGen. Mariel Magaway ang nasa kritikal na kondisyon nang bumagsak ang sinasakyang chopper. Sa ngayon ay stable na ang kondisyon ni Magaway.
Sina Gamboa, aide-de-camp nito na si Capt. Kevent Gayramara at dating PNP spokesperson BGen. Bernard Banac ang unang nakalabas ng hospital.
Na-discharge narin sa hospital ang dalawang piloto na sina Lt Col. Roel Zalatar at Rico Macawili at Senior Master Sgt Luis Estonia.
Bumagsak ang helikopter nang sumabit ito sa kable sa pag-takeoff, kungsaan ‘di nakita ng piloto dahil umano sa makapal ang alikabok.
Nagpapatuloy parin hanggang ngayon ang imbestigasyon sa insidente. (Mark Obleada)