Advertisers
NANINIWALA si Speaker Lord Allan Velasco na wala nang sapat na panahon para maaprubahan ang proposed amendments sa 1987 Constitution lalo pa at nakatutok ngayon ang pamahalaan sa COVID-19 response.
Inihayag ni Velasco na kailangan talaga na magkaroon ng Charter change (Cha-cha), pero wala nang sapat na oras para talakayin ito bunsod ng public health crisis.
Kasama sa mga nakikita ni Velasco na kailangan na magbago ay ang kasalukuyang three-year term ng mga kongresista.
Para sa lider ng Kamara, masyadong maiksi ito para maisakatuparan ang kanilang mga plano sa kanilang mga constituents.
Bagama’t aminadong wala nang oras para maisulong ang Charter change, sinabi ni Velasco na hindi pa naman ito tuluyang patay na sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kabila ng pahayag na ito, nanindigan si Velasco na hindi “rubberstamp” ng Malakanyang ang Kamara.