Advertisers

Advertisers

Onsehan sa droga ng mga bagets: 15-anyos tinodas

0 348

Advertisers

PATAY ang isang menor de edad nang barilin ng kapwa minor nang hindi umano mag-remit ng kita sa iligal na droga sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Gian Carlo Basiar, 15, out of school youth at residente ng 401 Perla St, Tondo.
Naaresto naman ang isa sa mga salarin na si Gemlan Ocampo, habang pinaghahanap ang dalawa pang kapwa menor de edad na si Danrey Monares at Joshua Rabino.
Sa pahayag ng testigong si Angel Cañeda, katatapos lang nilang mag-pot session ng biktima sa ikatlong palapag ng isang bahay sa Kamias St., nang dumating ang mga ‘Children in Conflict with the Law’ (CICL) na sina Ocampo, Monares at Rabino.
Ayon kay Cañeda, kinompronta ng mga CICL ang biktima kaugnay sa ‘di nabayarang remittance sa kanilang iligal na aktibidad at binaril ito sa ulo.
Matapos ang pamamarili, mabilis na tumakas ang mga salarin sa direksyon ng Kamias St.
Sa hot pursuit operation, naaresto si Ocampo.
Sasampahan ang mga salarin ng kasong murder.
(Jocelyn Domenden)