Advertisers

Advertisers

Barko nasunog sa karagatan

0 165

Advertisers

NASUNOG ang isang passenger-cargo vessel sa bisinidad baybayin ng Panglao, Bohol.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), may kargang 55 hanggang 65 pasahero ang barkong MV Esperanza Star.

Ligtas ang lahat ng sakay ng barko na nasunog, ayon sa pinakahuling update ng PCG mula sa PCG District Central Visayas .

Nanggaling ang barko sa Port of Lazi, Siquijor papunta sa Tagbilaran, Bohol.

Kaagad na nagsagawa ang PCG ng firefighting and rescue operations para maisalba ang sakay ng barko.

Hindi pa batid kung anong dahilan ng sunog sa barkong hawak ni Captain Desiderio Labiste, Jr.

Idineklarang fire out ang sunog 10:00 ng umaga ngunit nanatili parin ang BRP Cape San Agustin (MRRV-4408) at BRP Malamawi (FPB-2403) sa katubigan ng Panglao, para patuloy na mabantayan ang lagay ng nasunog na barko.

Ang mga rescued passengers at crew ay ligtas na nadala sa Tagbilaran Port.

Ayon sa PCG, magkakaroon ng malawak na imbestigasyon sa insidente. (Jocelyn Domenden)