Advertisers

Advertisers

Bangkay umalingasaw: Bading inatado ng saksak

0 441

Advertisers

NANGANGAMOY na at tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang matagpuan ang bangkay ng isang bading sa loob ng inuupahan nitong tindahan sa Malabon City.
Kinilala ang biktima na si Emy Yruma, 44, store owner, ng 22 Don Basilio Bautista Boulevard, Barangay Hulong Duhat.
Sa report, 1:40 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ni Yruma sa loob ng kanyang tindahan.
Sa cursory examination ng NPD-SOCO sa pangunguna ni Capt. Sonny Boy Tepace, tadtad ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima.
Iniutos na ni Col. Rejano sa kanyang mga tauhan ang pagsasagawa ng follow-up investigation sa posibleng pagkakilanlan ng salarin.(PFT team)