Advertisers
BINUTATA ng Philippine women’s softball team ang Korea, 10-0 para ibulsa ang bronze medal sa U15 Asia Cup sa Puli,Taiwan.
Dahil sa panalo ay nakatisod sila ng berth sa World Cup U15 sa Tokyo,Japan ngayon taon, naging pangatlong pangkat na nakakuha ng wordl cup berths matapos ang Blu Girls at ang co-ed slow pitch teams sa kanya-kanyang liga.
Binobuu ng pili na players mula sa ILLAM Manila,Pasig at Bulacan, ang PH team ay tinapos ang elimination sa 4-2 win-loss rekord.
Unang pinatumba ang India, 6-0 sumunod ang South Korea,2-1 bago nalasap ang back-to-back na pagkatalo mula sa Japan,14-0 at host Taiwan, 5-2.
Ang Filipina batters ay nabawi ang kanilang bearings sa panalo kontra Singapore (10-1) at HongKong (10-0) bago sumuko sa Koreans.
“Their performance in the games was nothing short of amazing. Their passion and teamwork are truly inspirational. We wish them the best and we will continue to support them as they face stiffer competition in Japan,” Wika ni Amateur Softball Association of the Philippines Pres. Henri Lhuillier.