Advertisers

Advertisers

Vice Ganda nagparunggit sa TVJ sa ‘It’s Showtime’

0 850

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA katigasan ng ulo ng isang contestant sa segment ng It’s Showtime ay napahirit si Vice Ganda.
“Ang tigas ng ulo mo di ka nakikinig sa Madlang Pipol nagpalipat lipat at palit ka ng box kaya ayan resulta lost ka,” sey ng TV host.
Naging tradisyon at kultura na nga raw sa show ang makinig sa Madlang Pipol para di magkamali sa desisyon, hugot pa ulit ni Vice.
“Huwag kasi matigas ang ulo hayan bumaba na nang husto ang take home mo.
“Minsan kasi makinig para di magkamali sa desisyon,” hirit pa ni Vice.
Pero may mga netizen na nag-ugnay ng salita ni Vice sa TVJ sa paglipat nila sa TV5 soon dahilan kaya napunta na ang It’s Showtime sa GTV na sister company ng GMA-7.
Pero kahit sa contestant naman ang hirit ni Vice may mga netizen pa rin na inisip nila patutsada yata ni Vice ito sa paglipat at pagpalit ng network ng TVJ.
Sabat naman ng fans ni Vice na di naman daw talaga sa TVJ ‘yung hirit ni Vice kundi sa kalahok niya raw ‘yun ipinapatungkol.
***
2 noontime show ng GMA 7 at GTV babangga sa pagbabalik sa ere ng TVJ sa TV 5
NALALAPIT na ang pagbabalik ng TVJ matapos ang kanilang pagbibitaw sa Tape Inc. nung May 31.
Inaayos na nga ang kanilang magiging studio sa Mandaluyong.
Nagpatikim na rin sila ng bagong OBB na napapanood na sa TV5.
Early July this year ay balik noontime show at work na ulit ang TVJ kasama ang legit Dabarkads.
Sa pagbabalik ng TVJ sa ere ay dalawang noontime show naman ng GMA ang babangga sa TVJ.
Sa kabila ng babala ng TAPE Inc. at iginiit na bawal gamitin ang titulong Eat Bulaga ay tila ito pa rin ang title ngbprogram ng TVJ.
Kaya pagbabalik ng TVJ sa ere sa TV 5 ay dalawang noontime show ng GMA ang babangga sa Eat Bulaga ng TVJ.
Masaya ito, EB ng TVJ sa TV5 vs Eat Bulaga ng TAPE sa GMA 7 at It’s Showtime sa GTV na sister company ng GMA rin.
Matinding pukpukan ito sa noontime sa pagbabalik ng TVJ.
Well, well, well…’Yun na!