Advertisers
DETERMINADO at hindi susuko sa bawa’t pagsubok.
Tila iyan ang motto ngayon ng award-winning indie actor na si Tonz Are.
Sa ngayon, habang naghihintay pa si Tonz na maging normal na muli ang mundo ng showbiz, tumutok muna siya sa iba pang passion niya sa buhay, ang pagluluto at pagnenegosyo. Isa pang pinagkakaabalahan niya ngayong panahon ng pandemic ay ang pagiging vlogger.
Praktikal ang pananaw niya sa buhay, ipinahayag nga ni Tonz ang labis na kagalakan dahil matagal na niyang pangarap gawin ito.
“Sobrang happy ako sa pagba-vlog, kasi mula noon ay pangarap ko nang maging vlogger.”
Saad pa niya, “Bale, naka-two episodes na ako sa vlog ko, about sa foods. Actually po, nag-start ako last year pa, na-stop lang noong naging busy ako sa mga shootings ko. Naisip kong about sa food ang i-vlog ko, kasi related din sa business kong Tonz Tapsilogan and gusto ko rin dahil talagang food lover ako.”
Kumusta ang feedback sa kanyang vlog? “Okay naman po ang feedback, kaya sobrang nagpapasalamat ako dahil ang daming nagre-request ulit sa mga susunod kong vlogs. Gusto nilang makita pa ang iba’t ibang pagkaing-Pinoy at menu ko sa aking tapsilogan.
“Abangan po nila, may ilalabas ulit akong vlog very soon, this month mag-shoot pa lang kami ulit, foods pa rin ang content namin. Mas marami pa silang aabangan sa vlogs ko, kasi may mga celebrity guest din ako,” masayang bulalas pa ni Tonz.
Ano’ng ibang topics ang gusto niyang ipakita sa susunod niyang vlogs?
Sagot ni Tonz, “Mukbang po ulit, iba’t ibang Pinoy foods pa rin ang ipapakita ko sa mga susunod ko pang vlogs. Puwede rin na kung paano ipini-prepare at iniluluto ko, pati ‘yung mga secret ingredients namin din, sa Tonz Tapsilogan.
“Iyong Tonz Tuyo Gourmet at Tonz Chili Sauce and Tonz Bagoong, best seller ko po iyon, ako mismo ang gumagawa, ako mismo ang nagtitimpla. Puwede ko rin itong i-vlog.”
Pahabol pa niya, “Puwede rin po yung mga newcomer na tinutulungan ko sa acting workshop. Ang mga workshoppers ko, active pa rin yung Daydreamer at plan ko po… kasi ‘di pa puwede mag-workshop ng actual, kaya plano ko ay via Zoom. Plan namin na ituloy ang workshop, para ‘di sila matengga. Sayang din kasi ang panahon, lalo na at nasimulan na po namin noon ang aworkshop.”
Hinggil naman sa kanyang buhay-showbiz, kabilang si Tonz sa mga nananalangin na matapos na ang pandemic na ito, para makabalik na siya sa shooting at taping.
“Replay ‘yung mga episode ko sa SOCO and sa 700 Club Asia po ay on-call ako. May mga guesting-guesting din like sa Euro TV. Kapag okay na po, gagawin namin ang Tawabong na ako po ang bida and yung Ban-ok na film ni direk Romm Burlat.
“Tiis-tiis lang po muna tayo ngayon at laging manalig kay God,” sambit pa ni Tonz. – (Nonie V. Nicasio)