Advertisers

Advertisers

Tsumaptsap sa ‘misis’ sa Antipolo, timbog

0 1,621

Advertisers

TIMBOG ang lalaking tsumaptsap sa kanyang live-in partner at itinapon ang mga bahagi ng katawan sa magkahiwalay na lokasyon sa Antipolo City nitong Biyernes, Hunyo 9.

Sinabi ni Lt. Colonel June Paolo Abrazado, hepe ng Antipolo Police, inamin ng suspek ang pagpatay sa kinakasamang si Lanie Cabanet Loreto.



Ang ulo, kamay at paa ni Loreto ay natagpuan ng isang scavenger na nakalagay sa  garbage bag sa ilalim ng tulay sa NHA Avenue bandang tanghali ng Hunyo 9.

Natagpuan naman ang kanyang katawan at iba pang bahagi nito sa Sitio Boso-Boso sa Antipolo City din, dakong hapon ng Hunyo 9.

Kinumpirma ng pulisya na ang dalawang set ng mga tinadtad na bahagi ng katawan ay kay Loreto, matapos kumpirmahin ng kaanak ng biktima.

Sinabi ng salarin sa mga imbestigador na nagalit siya sa pagtanggi ng biktima na tigulan na ang pagtutulak ng iligal na droga.

Bago ito, nakasentro ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakasangkot ng biktima sa iligal na droga nang lumabas sa rekord ng pulisya na sangkot ito sa pagtutulak.



Bago matuklasan ang mga bahagi ng katawan, hiniling ng biktima sa kanyang live-in partner noong Hunyo 7 na samahan siya sa Cogeo Gate 2 para makipagkita sa isang “Ate” at pupunta sila sa isang malapit na mall.

Mula noon, hindi na nakauwi ang biktima.

Sinabi ng salarin na inuntog niya sa dingding ang ulo ng ka-live-in hanggang sa mawalan ito ng malay. Pagkatapos iniwan nang patay.

Dinala ng salarin ang kanilang dalawang taon gulang na anak sa isang kamag-anak sa Padilla, Antipolo bago siya bumalik sa  bahay upang putol-putulin ang katawan ng  kinakasama. Isinilid nito ang mga bahagi ng katawan sa garbage bags at tinapon sa iba’t ibang lugar.