Advertisers

Advertisers

2 pugante ng Basilan Jail patay sa engkwentro

0 200

Advertisers

TODAS ang dalawang preso na nakatakas sa Basilan Provincial Jail nang maka-engkwento ng mga sundalo ng 4th Special Forces Batallion sa Barangay Cabunbata, Isabela City, Basilan.
Kinilala ang mga nasawi na sina Nurhassan Lahaman, may kasong murder; at Battuh Kusain Murag, may kasong multiple murder at frustrated murder at sangkot sa Lamitan City bombing noong 2018.
Sa report ng Western Mindanao Command, nagsasagwa ng hot pursuit operations ang mga sundalo nang mamataan nila ang dalawang pumugang preso.
Nanlaban, nagpaputok ng baril umano ang mga pugante, dahilan para ratratin sila ng mga sundalo.
Tumagal ng limang minuto ang engkwentro. Narekober mula sa encounter site ang isang M653 rifle, isang caliber 45 pistol at mga bala.(Mark Obleada)