Advertisers
Ni JOVI LLOZA
DAHIL sa second chance ay nag-trending sa social media ang balikan blues nina Gerald Anderson at Bea Alonzo.
Kahit naman ang nanay ni Gerald na si Mommy Vangie ay hindi na magawang kumontra o tumutol sa balikan na nangyari sa kanyang anak at Bea.
Kumbaga, tinanggap na lang nang buung-buo ng mudra ni Gerald kung anuman ang desisyon ng anak.
Naniniwala naman si Mom Vangie na love talaga ng kanyang anak si Bea..
At nakikita naman nito na masaya ang anak kaya susuportahan na lang niya ito kung saan ito maligaya.
Mabait naman si Bea kaya walang magiging problema sa pamilya ni Gerald.
Kaya kung saan masaya ang anak ay sasang-ayunan na lang ni Mommy Vangie.
Halos lahat ng magulang ay gustong maging masaya ang anak na si Gerald sa piling ni Bea.
Kahit nga si Gretchen Barretto ay happy na masaya sa buhay si Bea.
Kaya naman kapag ikinasal nga raw ito ay may pa-gift ito na honeymoon trip sa Paris.
O di ba, di na lang si Dra. Vicki Belo ang marunong magbigay ng sponsorship sa couple na ikinasal at kahit si Gretchen ay kering-keri ang Paris trip kapag ikinasal ang nagbalikang magdyowa.
***
Di nagkaintindihan ng guard…
Paolo walk out sa sariling show
USAPAN sa social media ang biglaang walk out ni Paolo Ballesteros sa show nito sa TV 5, ang Bawal na Game Show.
Hindi nga lang daw sila nagkaintindihan ng guard sa TV5.
Pinigil naman si Paolo ng guard na dumaan sa shortcut papuntang studio ng BGS.
Sumusunod nga lang daw ang guard sa protocol kaya naman kahit anong pilit ni Paolo ay mever itong nakadaan sa shortcut pa- studio.
Gusto na sana nga magtanggal ng facemask si Paolo pero talagang nanindigan ang guwardiya na hindi puwede mag-shortcut at sa malayo ito pinadadaan.
Sa inis nga ng TV host ay nag-walk out na lang ito kaya naman humalili sa kanya ang Grand Champ ng Backlash na si Echo.
Tinaawagan naman ng mga staff si Paolo kaso ayaw nitong sagutin ang kanyang cellphone.
Misunderstanding naman ang nangyari sa pagitan nina Paolo at guard para ito ay mag-walk out sa kanyang show.
Well, well, well…’Yun na!