Advertisers
BINAWIAN ng buhay ang isang negosyante sa pamamaril at pinasabugan pa ng granada ang kanyang bahay nitong linggo ng gabi sa Kidapawan City.
Kinilala ang biktima na si Mark Romerde, residente ng Barangay Singao, Kidapawan City.
Ayon sa ulat, nakatayo ang biktima sa harap ng kanyang bahay nang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang salarin gamit ang kalibre.45 pistola at pinasabugan pa ng granada ang kanyang tirahan.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Kidapawan City PNP sa krimen(Mark Obleada)