Advertisers

Advertisers

Kolektor ng pautang nirapido: 1 patay 1 sugatan

0 215

Advertisers

NASAWI ang isang kolektor ng lending company habang sugatan ang kanyang kasama sa pamamaril sa probinsya ng Maguindanao.
Kinilala ang nasawi na si alyas Jade at ang sugatang kasama ay si Reno Kaha, kapwa kolektor ng isang lending company sa Midsayap, Cotabato.
Ayon sa ulat, sakay ng motorsiklo ang mga biktima sa Barangay Limpongo Datu Hoffer, Ampatuan, Maguindanao nang dikitan sila ng riding in tandem at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 pistola.
Mabilis na tumakas ang mga salarin tangay ang motorsiklo, perang koleksyon ng mga biktima at personal nilang mga kagamitan.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Datu Hoffer PNP sa krimen.(PFT team)