Advertisers

Advertisers

Dennis at Jennylyn madalas mag-away sa set; “Alden’s Reality,” unang virtual reality concert sa Pinas

0 248

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

EXCITED na inabangan ng fans ni Alden Richards ang pagbubukas ng ticket sales para sa anniversary concert ng Asia’s Multimedia Star sa December 8, ang “Alden’s Reality.”

At talaga namang special pala ang handog na ito ni Alden sa kanyang fans dahil sa ito ang kauna-unahang virtual reality concert sa bansa.



Iba pa raw ito sa usual virtual o online concerts na ginagawa ngayon dahil sa element nitong virtual reality. Gamit ang teknolohiya ay magkakaroon ng chance ang mga manunuod na makipag-interact kay Alden. At dahil online ito, kahit mga Kapuso abroad ay makaka-join sa panunuod.

Available na ang ticket sa www.gmanetwork.com/synergy. P999 ang presyo para sa general admission. Ang mga nasa Pilipinas, may special treat dahil pwede silang maka-avail ng special VIP package sa halagang Php 1,200.

Kasama ng isang general admission ticket ang isang exclusive VR device na pwedeng magamit sa panunuod ng concert ni Alden.

Si Paolo Valenciano ang director ng “Alden’s Reality” at ito ay produced ng Synergy: A GMA Collaboration. Para sa ibang detalye, bisitahin lang ang www.gmanetwork.com/synergy

 



***

MALAKI raw ang pinagbago ng working relationship ng Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa bagong serye nila na ‘I Can See You: Truly. Madly. Deadly.’

 

Excited ang fans ng Kapuso couple dahil mapapanood na nila ang much-awaited reunion ng dalawa sa primetime na makakasama nila ang talented Kapuso actress na si Rhian Ramos. Matatandaan na huling nagtambal sina Dennis at Jennylyn sa GMA series na ‘My Faithful Husband’ taong 2015.

 

Biro ni Jennylyn ay hindi na raw sila nag-aaway ni Dennis sa set, “Ngayon kasi hindi na kami nag-aaway. Dati away kami nang away sa set. Mas smooth na.”

 

Dagdag pa ni Jen, “Ever since naman, si Dennis, masarap siya talagang katrabaho kasi napakagaling na aktor.”

 

Para naman kay Dennis, nakatulong daw ang quarantine para mag-improve ang teamwork nila, “Mas nae-enjoy namin magkasama sa trabaho. Siguro dahil marami kaming time na ini-spend ngayong quarantine. Mas nag-a-adjust kami kasi magkasama kami every day. Nadala namin ‘yun kahit na nandu’n kami sa trabaho.”

 

Tampok din sa ika-apat na installment ng ‘I Can See You’ sina Jhoanna Marie Tan with the special participation of Ruby Rodriguez. Mapapanood ang ‘Truly. Madly. Deadly.’ ngayong Lunes (October 19) na, 9:15PM, sa GMA Telebabad. (Showbizteam)