Advertisers
BAGONG episode na ulit ang mapapanuod ngayong Linggo (Aug. 2) sa award-winning environmental and wildlife Kapuso program na “Born To Be Wild” kasama sina Doc Ferds Recio at Doc Nielsen Donato.
Sa unang pagkakataon matapos ang deklarasyon ng community quarantine, isang wildlife rescue ang magaganap. Si Doc Nielsen, to the rescue sa isang cloud rat na napadpad sa ilalim ng bubong ng mga residente sa Tanay, Rizal. Ang nasabing hayop, tutulungan ng team ni Doc Nielsen makabalik sa kagubatan ng Sierra Madre.
Bago pa man ang COVID-19 pandemic, palagi na sina Doc Ferds sa isang sea turtle facility sa Iloilo. Ngayong Linggo, bibisitahin ni Doc Ferds at ng kanyang team ang mga dati nilang pasyenteng pagong dito upang tingnan kung pwede na silang ibalik sa kanilang natural habitat.
Gising na nang maaga ngayong Linggo at panuorin ang all-new episodes ng Born To Be Wild pagkatapos ng AHA! sa GMA-7.
***
VIEWERS RELATE SA MGA BAGONG SHOWS NG GMA NEWS TV
Kahit kami ay nakaka-relate sa bagong shows ng GMA News TV na bumubuo sa New Normal: The Survival Guide na napapanuod gabi-gabi pagkatapos ng simulcast ng 24 Oras.
Talaga kasing informative ang show na iba-iba ang tinatalakay na topic ngayong tayo nga ay masasabing nangangapa pa rin sa ‘new normal’.
Seryoso man ang topic ni Mareng Winnie sa Newsmakers pag Lunes, binabawi naman n’ya ito sa aliw segment niyang “Tita Winnie Tries”.
Pag Tuesday, light pero minsa’y may kurot sa puso ang hatid ni Kara David sa Bright Side. At kahit kuwela ang atake ni Susan Enriquez sa Pera Paraan, seryosong usapan din ang paghawak ng pera lalo na these days.
Relate rin, malamang, kay Tonipet Gaba at Rovilson Fernandez, ang viewers na trying to run the household on their own tuwing Thursday in Home Work. At may katuwang na ang parents sa ‘new normal’ dahil sa Family Time ni Drew Arellano every Friday.
Sa mga nababasa namin online, positive ang feedback ng netizens sa programming na ito ng Kapuso Network. Talaga kasing pasok sa banga ngayong lahat tayo ay nag-iba ang pamumuhay dahil sa pandemya. Looking forward kami sa mga susunod pang episode ng bawat show.
***
MIKAEL DAEZ SINUBUKAN ANG PARENTING SKILLS SA NAKABABATANG KAPATID
Nasubukan ang parenting skills ng celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young sa kanilang recent YouTube vlog kung saan bumisita ang nakababatang kapatid ni Mikael na si Alvaro sa kanilang bahay.
January this year ay ginulat ng dalawa ang netizens nang ibahagi nila ang kanilang intimate wedding ceremony sa Subic. Excited naman ang kanilang followers na makita ang future baby nila Megan at Mikael at kung paano ang dalawa bilang magulang.
Sa latest vlog ni Mikael, naatasan ito ng mommy niya na pansamantalang bantayan nila ni Megan ang kapatid. Game na naman na tinuruan ng dalawa si Alvaro ng ilang Tagalog words habang nagme-merienda at pati na rin ang tamang paghuhugas ng pinggan.
Si Alvaro ang pinakabata sa walong magkakapatid at kahit malayo ang agwat ng edad mula sa kanyang big brother na si Mikael, kapansin-pansin pa rin ang closeness ng dalawa.
Habang hindi pa rin napapanood si Mikael sa pinagbibidahang GMA series na ‘Love of my Life’, pinagkakaabalahan nila ni Megan ang pagawa ng YouTube vlogs, podcasts, at streaming ng online games.
***
KAPUSO BEAUTY QUEENS, MAGPAPAMALAS NG TALINO SA ‘QUIZ BEH!’
Bagong pares ng GMA Artist Center talents ang sasabak sa online game show na ‘Quiz Beh!’ kung saan sila makikisaya habang naglalaro ng word guessing game.
Ngayong Biyernes (July 31), sina Miss World Philippines 2019 Michelle Dee at Miss World Philippines 2018 First Princess Chanel Morales ang magtatagisan ng talino laban kina Miss Eco International 2018 Thia Tomalia at Miss Multinational 2017 Sophia Senoron.
Abangan sila sa Quiz Beh!, hosted by Betong Sumaya, ngayong July 31, 3pm, sa GMA Network Facebook Page at GMA Artist Center YouTube Channel.
***
BIANCA UMALI NAKIPAG-BONDING SA FANS ONLINE
Nagkaroon ng ‘zoomustahan’ ang Kapuso actress na si Bianca Umali sa kanyang loyal fans at supporters.
Ang virtual bonding ay naganap sa pamamagitan ng isang video conference call via Zoom.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi niya ang photos kasama ang mga taong nagbibigay sa kanya ng inspirasyon.
Aniya, “Swipe left! Zoomustahan! Last night, with people I have so much love for. Kahit kailan, hindi kayo nawawala sa tabi ko. Isa kayo sa mga inspirasyon ko.
Isa kayo sa mga dahilan ng kasiyahan ko. Isa kayo sa mga nagpapalakas sa akin. Please know that I appreciate each and every one of you. MARAMING SALAMAT at MAHAL NA MAHAL KO KAYO! @biancaddiction @biancaeliteofc.”
Napapanood si Bianca gabi-gabi sa rerun ng Kambal, Karibal sa GMA Telebabad. – (BKC)