Advertisers
PATAY ang isang barangay kapitan nang tagain ng kagawad na kanyang pinsan sa Barangay Ibis, Bagac, Bataan.
Kinilala ang biktima na si Danny Boy Panganiban, kapitan ng nasabing barangay.
Ayon kay Police Capt. Michelle Gaviola, hepe ng Bagac Police, naaresrto kaagad sa manhunt operation ang salarin na si Kagawad Edwin Panganiban, 42.
Sa report, nanggaling sa magkahiwalay na inuman ang dalawang opisyal nang magkita sa isang lugar malapit sa kanilang nasasakupang barangay 8:00 ng gabi nitong Linggo.
Ayon sa ulat, habang nakatalikod ang kapitan ay nilapitan ito ng kagawad at dalawang beses tinaga sa ulo at nabiyak ito.
Sa imbestigasyon, lumang alitan ng magpinsan ang motibo sa pananaga.
Nakakulong na sa himpilan ng pulisya si Panganiban na nahaharap sa kasong murder. (Rey Velasco)