Advertisers

Advertisers

Emping, bisrock singer-composer, ‘Radio Online Sensation’ din

0 737

Advertisers

Ni Blessie K. Cirera

GUMAGAWA na ng ingay sa music scene ang tinaguriang Radio Online Sensation na si Simplicio “Emping” Kiskisan, Jr. na ang tanging puhunan ay ang purong pagmamahal sa musika.

Bata pa lang ay nakitaan na ng interes sa musika si Emping na tubong Masbate. Sa pamamagitan ng pagkanta, paglikha ng mga awitin at pagtugtog ng instrumento, naipaaabot ni Emping ang nais iparating sa lahat.



Nagsimula bilang drummer sa kanilang simbahan, naipakita ni Emping ang kanyang talento lalo na sa pagkanta.

Untu-unti siyang nakilala bilang rock star nang madiskubre niya ang rock music. Naging inspirasyon niya ang Eraserheads kaya nabuo sa isip niya na bumuo rin ng sariling banda.

Makasaysayan ang taong 2006 kay Emping dahil doon siya nagsimulang maging miyembro ng isang banda.

Nakagawa ng ilang hit songs ang Assembly Language Band kasama na ang “Chinita” na sinulat niya para sa isang magandang babae mula sa Carcar City.

Pero sabi nga sa kanta ni Barbra Streisand, some good things never last. Na-disband ang grupo kaya nagpasyang magsolo si Emping noong 2013.



Nakapag-released siya ng album na may pamagat na “Tunay” na ipinamahagi ng Neptune Media Publishing House last June 23, 2017.

Taong 2018, muling bumuo ng banda si Emping na kinabibilangan nina Leonardo “Jun” Abasanta Jr., drummer ng “Makadawa”, Mary Rose “Jiji” Toting -bassist  and band leader ng all-female iconic band sa Cebu “The Greenberries”; John Pons “Tampus” Tiu – guitar, taga-Masbate at ang  rock star neighbor niya at mula sa bandang “Adeline”; Sean Estrella – percussions –  ang drummer ng bandang “Handicap Version,” Amuel Rayz “Amuel” Terariray, guitarist ng “Metal Instinct” at dating bassist ng “Indephums”, at ang pinakabata sa grupo na si RJ Cuyos – keyboards – mula sa bandang “Banda Unica.”

Ang unang album nila ay “BUGTONG ISLA” na ni-released noong October 13, 2018 na may 8 all-original songs (English, Tagalog and Bisaya) sa Tonyos Talisay.

Binansagang “Online Radio Sensation”sa iba’t ibang panig ng mundo na karamihan ng listeners ay mga OFWs, isa sa mga most requested song mula sa kanilang 3rd album ay “Ikaw Ang Pag-ibig,”  gayundin ang iba pang sumunod na kanta nila, ang  I Need You Tonight, Sawi, Wag Kang Mag Kunwari and Falling Stars. Available na ang mga ito sa lahat ng digital music distributors.

Hindi matatawaran ang suporta ni Emping sa BISROCK movement dahil isa siyang proud bisrock song writer.

Hiling lang ni Emping na tangkilikin at makilala rin nang husto ang kanilang banda sa ilan pang lugar sa bansa para malaman ang kagandahan at mensahe ng kanilang musika.