Advertisers

Advertisers

IANNA GOOD VIBES ANG “PINAPA” DANCE CHALLENGE

0 236

Advertisers

Ni BKC

NAKAHANAP ng paraan ang singer na si Ianna Dela Torre para mai-share ang blessings  sa kanyang followers sa pamamagitan ng isang dance challenge para sa kanta niyang “Pinapa.”

Imbes kasi na magdaos ng enggrandeng selebrasyon para sa debut niya sana noong March kung kailan unang ipinatupad ang lockdown dahil sa COVID-19, ginawa na lang niya itong paraan para makapaghatid ng tulong at saya sa mga tao.



“‘Yung manager ko na si Tito Joel saka ‘yung family ko, nag-decide na maglaan ng funds para matulungan ‘yung mga kababayan natin ngayong pandemya. Gusto ko lang mag-share ng positivity at love gamit ‘yung kanta,” ani Ianna.

Ang “Pinapa” ang carrier single ni Ianna mula sa debut album niya na ini-release ngayong taon. Ang two-time Himig Handog finals placer na si David Dimaguila ang nagsulat ng kanta na tungkol sa millennial love-hate relationship.

“’Yung meaning po ng ‘Pinapa’ sa song ay ‘pinapatawad,’ ‘pinapakilig,’ ‘pinapasaya.’ Ang tumatak po sa akin ‘yung ‘pinapatawad,’ kasi kahit marami pong nagagawang masama sa atin, magpatawad po tayo at mag-spread ng good vibes,” paliwanag ni Ianna.

Samantala, nalaman na ang mga nanalo para sa #PINAPADanceChallenge kung saan nasungkit ng Mastermind ang 1st place na may 284K YouTube at Facebook views, shares, at comments, sinundan naman sila ng 2nd placer na Sugar and Space na may 121K YT at FB views, shares, at comments, at ng 3rd placer na Kwader Knows na nakakuha ng 89K YT at FB views, shares, at comments. May 10 sumali rin ang nakatanggap ng consolation prizes, habang ang PHILXPOSE naman ang nanalo bilang “Most Creative Concept Dance Challenger.”

Panoorin ang dance video ng “Pinapa” at pakinggan ang debut album ni Ianna sa iba’t ibang digital music streaming platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph), at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).



***

‘ALDEN’S REALITY,’ UNANG VIRTUAL REALITY CONCERT SA PINAS

Excited na inabangan ng fans ni Alden Richards ang pagbubukas ng ticket sales para sa anniversary concert ng Asia’s Multimedia Star sa December 8, ang “Alden’s Reality.”

At talaga namang special pala ang handog na ito ni Alden sa kanyang fans dahil sa ito ang kauna-unahang virtual reality concert sa bansa.

Iba pa raw ito sa usual virtual o online concerts na ginagawa ngayon dahil sa element nitong virtual reality. Gamit ang teknolohiya ay magkakaroon ng chance ang mga manunuod na makipag-interact kay Alden. At dahil online ito, kahit mga Kapuso abroad ay makaka-join sa panunuod.

Available na ang ticket sa www.gmanetwork.com/synergy. P999 ang presyo para sa general admission. Ang mga nasa Pilipinas, may special treat dahil pwede silang maka-avail ng special VIP package sa halagang Php 1,200.

Kasama ng isang general admission ticket ang isang exclusive VR device na pwedeng magamit sa panunuod ng concert ni Alden.

Si Paolo Valenciano ang director ng “Alden’s Reality” at ito ay produced ng Synergy: A GMA Collaboration. Para sa ibang detalye, bisitahin lang ang www.gmanetwork.com/synergy at i-follow ang https://www.facebook.com/GMASynergy.