Advertisers
MATINDING pinsala sa ulo ang ikinamatay ng 4-anyos na batang lalaki na natagpuan sa loob ng sirang washing machine sa Las Piñas City.
Kinasuhan na ng murder sa Las Piñas Prosecutors Office ang 15-anyos na salarin, na tiyuhin ng biktima, na nasa pangangalaga ngayon ng City Social Welfare and Development.
Sa ulat ni Colonel Jaime Santos, hepe ng Las Piñas City Police, base sa lumitaw na pagsusuri, “blunt traumatic injuries” sa ulo ang ikinasawi ng bata.
Napag-alaman na ang salarin ay mahilig manood ng serye ni Jeffery Dahmer, isang American serial killer at sex offender.
Sinabi ni Santos na hinihintay pa ang autopsy report upang malaman kung tinorture ang bata bago isinilid sa washing machine.