Advertisers
TINIYAK ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi na paiiralin ang ‘restriction’ o pagbabawal sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) sa mga lugar na isasailalim naman sa ‘new normal’ o panahon matapos ang pag-iral ng iba’t-ibang quarantine status.
Pahayag ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, bagama’t wala ng mga pagbabawal, ay dapat pa rin sumunod ang publiko sa umiiral ng health protocols kontra sa nakamamatay na virus.
Paliwanag ni Malaya, hintayin muna ang anunsyo ng pamunuan ng Joint Task Force COVID-19 Shield para malaman kung ano-ano na ang mga lugar na hindi na kakailanganin ng travel authority.
Sa abisong inalabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) number 79, ang mga non-APOR o mga hindi pinapayagang makalabas ng kani-kanilang kabahayan ay pupwedeng nang makabyahe para sa ‘leisure activities’ para sa muling pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa.