Advertisers

Advertisers

Grupo ng ‘laglag-barya’ buking sa droga

0 164

Advertisers

BUKING ang modus ng isang grupo ng “laglag barya” dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa Sta.Cruz, Maynila.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang isang puting sasakyan na pumarada sa kahabaan ng Rizal Avenue, at huminto sa harapan nito ang kulay asul na SUV .

Bumaba ang ilang sakay ng kulay asul na sasakyan kungsaan isang babae na nakapayong ang pumuwesto sa likuran ng puting sasakyan at tinakpan ang isa sa kasamahan habang naglalaglag ng barya.

Saglit pa, nilapitan ang driver at sinabing may mga barya sa likuran ng sasakyan, ngunit hindi ito pinansin. Isa pang lalaki ang lumapit sa driver at habang kausap, sumalisi ang isa nilang kasabwat at kinuha ang bag ng biktima na noo’y may binibili sa tindahan.

Naglalaman umano ng P350,000 ang bag na tinangay ng mga kawatan, na gagamitin sana sa pagpapagamot sa sakit na kidney.

Ayon kay MPD-Station 3 Plaza Miranda PCP chief, Capt. Rowel Robles, sila rin ang nakuhanan ng CCTV sa isang fast food restaurant sa Pampanga kungsaan isang lalaki rin ang naglaglag ng barya sa tabi ng isang babae na kumakain habang nakaabang ang kasabwat nito.

Paglingon ng babae sa barya saka kinuha ng isa sa mga ito ang bag ng biktima.

Ang mga suspek ay dati na umanong naaresto sa Maynila kaya dumayo na sila sa Central Luzon.

Napag-alaman din na humina ang kita ng mga suspek sa laglag barya kaya tumawid sa pagbebenta ng illegal na droga. (Jocelyn Domenden)