Advertisers
ARESTADO sa National Bureau of Investigation (NBI) ang sinasabing pinuno ng big time land squatter syndicate na nag-o-operate sa Metro Manila at karatig-lalawigan.
Bukod sa nasabing sindikato, ang suspek na si Pio Escota, 83 anyos, ay nabuking din may siyam na outstanding warrant of arrest para sa iba’t ibang krimen kabilang ang panggagahasa sa dalawang minor.
Nag-ugat ang imbestigasyon ng NBI-Anti Organized and Transnational Crime Division (NBI- AOCTD) sa dalawang reklamong nabiktima ng grupo ni Escota, na bumili ng dalawang magkahiwalay na lote sa Muntinlupa sa Escota’s Escorda Realty.
“Escota’s group is an organized organization. They take over vacant lots, post a security guard to give semblance of legitimacy and even employs persons posed as engineers, sales agents,” sambit ni Atty. Jerome Bomediano, puno ng NBI-AOCTD.
Sinabi ni Bomediano na ang grupo ni Escota ay kabilang din sa listahan ng kilalang squatter syndicate ng Department of Housing Settlements and Urban Development.