Advertisers

Advertisers

ANYARE SA PRAMIS NI DUTERTE SA MARAWI?

3 years pagkaraan ng giyera...

0 239

Advertisers

IBINUNYAG ng tagapagbantay na nagmo-monitor sa pagsaayos sa nawasak ng giyera na lungsod ng Marawi ang napakagabal na proseso sa paggawa dito gayundin ang kakulangan ng pondo para sa pag-gawa, tatlong taon na ngayon simula nang magkagiyera sa pagitan ng puwersa ng gobyerno at mga teroristang grupo sa bahaging ito ng Mindanao.
Ang giyera laban sa teroristang grupo na pinamunuan ng Maute group ay nagsimula ng Mayo 2017 at tumatagal hanggang Oktubre ng nasabing taon, kungsaan napulbos ang Marawi.
Ayon sa Marawi Reconstruction Conflict Watch, bagama’t karamihan sa mga na-displace ay nakabalik na sa kanilang mga bahay, wala namang natanggap na compensations ang mga ito sa mga nawasak nilang ari-arian at libo-libo pang nananatili sa evacuation shelters ang nasa masamang kondisyon.
“It has been three years since the government declared our city liberated, but there is no real liberation to speak of,” sabi ng grupo sa statement na inilabas ng International Alert Philippines. “The sad fact remains that progress is slow, funds are lacking, and implementation could be improved.”
Sinabi ng grupo na sa loob ng tatlong taon simula nang matapos ang giyera, P22.2 billion lamang ang nailabas ng gobyerno para sa kailangang reconstruction funds na P60.5 billion.
Kung maaalala, sinabi noon ni Pangulong Rody Duterte na pagkatapos na pagkatapos ng giyera ay kaagad niyang ipagagawa ng mas maganda pa sa nawasak na Marawi, at babayaran ang mga napulbos na tahanan.
Maging ang pondo ng typhoon Yolanda na P5 billion ay inilipat noon para sa pagbangon ng Marawi.
Nitong nakaraang buwan, nangako si Secretary Eduardo del Rosario ng human settlements department na 90% ng infrastructure projects sa lungsod ay matatapos sa Disyembre 2021, na ang buong rehabilitasyin ay makukumpleto bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte.
Pero sa sitwasyon ng mga paggawa ngayon sa Marawi, duda ang watchdog na mangyayari ang pangako ni Del Rosario.
“The dismal amount on top of issues on disbursement and absorptive capacity in the past paint a bleak picture for us all,” sabi nila. “With only 16 months left until the 2021 year-end deadline of completing reconstruction projects, can the Duterte administration still deliver its promise that Marawi will rise as a prosperous and peaceful city again?”
Inamin ni Del Rosario, puno rin ng Task Force Bangon Marawi, sa mga mambabatas na ang mabagal na reconstruction ay sanhi ng problema sa pondo.
Sa estimate ng Asian Development Bank, ang halaga ng nawasak sa Marawi ay nasa P11.5 billion. Ang bilang ng displaced persons ay nasa 370,000 o kaya’y 77,170 pamilya.
Ang bilang ng mga nasawi sa giyera ay 168 mula sa state forces, 114 sibilyan, 270 unidentified individuals at 924 rebelde, base sa bilang mula sa ADB.