Advertisers
ISANG prinsipal ang binaril ng pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army habang naghahatid ito ng modules sa mga estudyante sa Tandag City, Surigao del Sur.
Kinilala ang biktima na si Eli Canonigo Apacible, principal ng Hitaob Elementary School sa Purok Hitaob, Barangay Awasian ng nasabing lungsod.
Sa ulat, maghahatid umano ang biktima ng mga module para sa mga estudyante nang binaril ito sa ulo ng sniper ng NPA.
Masuwerteng namang hindi malubha ang sugat na natamo ng guro at naisugod agad ito sa ospital.
Samantala, mariing kinondena ng Surigao Del Sur Provincial Police Office ang pamamaril ng umano’y rebeldeng NPA.(PFT team)