Advertisers

Advertisers

Mga kakandidato sa BSKE dapat magpa-drug test

0 158

Advertisers

TATLONG buwan nalang pala at filing na ng certificate of candidacy (CoC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Pinangangambahan na naman dito ang pag-operate ng drug money o pagtakbo ng mga sangkot sa iligal na droga partikular shabu!

Itong isyu na ito ang ginamit na rason noon ni ex-President Rody Duterte kung bakit ilang beses niyang pina-postpone ang BSKE. Wawalisin daw muna niya ang mga nagpapakalat ng iligal na droga sa mga barangay sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan, bagay na hindi naman nangyari hanggang matapos ang termino niya noong 2022.



Nitong Huwebes, Mayo 25, 2023, ipinahayag ng Philippine National Police (PNP) na mayroong 450 barangay officials (mostly from Mindanao) na kanilang mino-monitor ang sangkot sa kalakalan ng iligal na droga.

Ang naturang mga opisyal ay hindi na dapat maibalik pa sa puwesto. Oo! Dapat sa kulungan sila mapunta.

Kaya ang mungkahi ni Secretary Benhur Abalos, Jr. ng Department of Interior and Local Government (DILG) dapat ang mga kakandidato sa BSKE ay magpa-drug test, para ipakita sa kanilang mga-kabarangay na sila’y malinis sa bawal na gamot. Mismo!

Bagama’t may ruling ang Korte Suprema na hindi maaring gawing requirement ang clearance sa drug test, mas maige parin sa mga kandidato na magkusa, ipakita sa mga botante na sila’y negatibo sa paggamit ng anumang illegal drugs. Period!

***



Talamak na naman ang iligal na sugal, pati online sabong, ending, loteng.

Pero tila dedma lang rito ang mga awtoridad partikular pulisya sa kabila ng kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na hulihin ang lahat ng iligal na sugal partikular online sabong.

Kamakailan lang, nag-isyu naman si PNP Chief, General Benjamin Acorda, Jr., ‘one strike policy’ laban sa illegal gambling.

Na mananagot o masisibak agad sa puwesto ang isang station commander kapag nahulihan ng iligal na sugal sa kanyang area of responsibility.

Sana hindi ningas kogon lang ito, Gen. Acorda, Sir!

Four your information, Gen. Acorda, Sir!, kamakailan ay nagkaroon ng bidding para sa kolektor sa iligal na sugal sa CALABARZON. At ang nanalo ay isang “Major Billy Joe”.

Ang CALABARZON ang pinakasentro ng mga iligal na sugal – mula jueteng, pergalan, online sabong, paihi, hanggang prostitution at shabu.

Mababa ang isang bilyon pisong payola kada buwan ang nakokolekta rito sa sindikato ng mga iligal. Kaya ang alok ni Maj. Billy Joe sa mga provincial commander ay milyones kada linggo. Presto! Go!!! ang illegal gambling at paihi!