Advertisers
NATALO ang Fil-Am Mixed Martial Arts (MMA) fighter na si Mark Striegl sa naging pagsabak sa UFC (Ultimate Fighting Championship) Island 6 sa Abu Dhabi kahapon.
Ito’y matapos ang technical knockout (TKO) victory ng pambato ng Russia na si Said Nurmagomedov sa loob lamang ng 51 segundo o wala pang isang minuto.
Nabatid na nagpakawala ng one-two combination si Striegl pero mas nangibabaw ang counter left hook ng kalaban.
Napaluhod pa umano ang isang binti ng half Pinoy MMA figher pero sumalo pa rin ng mga suntok sa kanyang ulo, dahilan upang itigil na ng referee ang laban kahit round 1 pa lamang.
Dahil sa kanyang TKO win, mayroon nang record si Nurmagomedov na 14-2 habang nagdagdagan ang talo ni Striegl 18-3.