Advertisers

Advertisers

19 bodega sa Tondo naabo

0 258

Advertisers

TINUPOK ng apoy ang isang commercial area sa Bambang Street, Maynila, Miyerkules ng gabi.
Ayon kay Fire Senior Superintendent Geranndie Agonos, District Fire Marshall ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), dalawang malaking warehouse ang nasunog, kungsaan 19 bodega sa loob ang natupok.
Sa report, pawang tela, laruan, medical supplies at furniture ang laman ng warehouse na pagmamay-ari ng isang Xu Jing Feng.
Nagsimula ang sunog 10:44 ng gabi na itinaas sa ikatlong alarma 11:30 ng gabi at idineklarang fire under control 2:30 ng madaling araw.
Hindi pa batid ang sanhi ng sunog. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)