Advertisers
Ni BETH GELENA
AYON sa Holaphofficial tuloy na ang tambalang Janella Salvador at Joshua Garcia para sa Pinoy adaptation na K-drama na It’s Okay to Not Be Okay.
Final choice na raw ang dating magka-loveteam sa The Killer Bride.
May nega agad na komento sa LT ng dalawa.
“Wala na bang iba???”
“Sorry but Janella is not really a star material. She should just sing.”
“Wala na ba ibang artista aside kay Joshua? He’s always giving knockoff JLC”
“Joshua is the real deal and I’m not even a fan. I saw a movie of his on NF, where he was a cancer patient looking for his long lost dad at nagulat ako. Ang galing nya!”
“Hayyy favorite ko pa naman tong kdrama na to. Wag naman sana nila sirain ang kwento. Miscast pa si joshua. Sa true lang.”
“Just NO on this adaptation! Both leads miscast”
“Wow! Bagay sa kanila. Love Joshnella iba actingan”
“Bet ko para kay janella yung role, theatrical kasi ung female lead dun. Kuhang kuha nya pati ung kaartehan ahaha”
“Face wise mas bagay sana si Liza sa bidang babae kaso waley na sya. Infer kay Janella mas nauna pa syang nabigyan ulit ng project after Darna. Si Jane parang na waley na.”
“Janella is fine pero please lang kairita yung JLC copycat ni Joshua! Meron naman na syang proj na malaki this year, ibigay nalang sa iba yung role. Enrique Gil nalang”
“One of my favorites. Actually Seo Yea-ji was nominated na best actress nun because of how good this character is. Sana mabigyan ng justice ni Janella.”
“Enrique at Kathryn nalang sana. Charot!”
***
SHERYL PROUD MOM, ANAK GAGRADWEYT NA SUMMA CUM LAUDE SA TATE
Proud mommy si Sheryl Cruz dahil magtatapos na ang anak na si Ashley na isang summa cum laude.
Para sa aktres yun daw
ang pinakamagandang Mother’s Day gift na natanggap niya.
Magtatapos sa kolehiyo ang kanyang anak bilang summa cum laude ngayong May 2023.
Ibinahagi ni Sheryl ang video call clip ng anak at nilagyan niya ng caption.
“Best Mother’s Day gift I’ve ever had. Learning that Ashley is graduating a summa cum laude this May 2023.
“So proud and blessed to have you, Anak.”
May kalakip na emblem ang kanyang post kung saan may nakasulat na Summa Cum Laude Class of 2023, at quote na, “She believed she could so she did.”
Si Ashley ay anak ni Sheryl sa kanyang ex-husband na si Norman Bustos.
Ayon kay Sheryl, nakahanda siyang suportahan ang anak na magtatapos ng kursong psychology.
“Sa araw ng birthday niya, doon siya pararangalan, so, I’m very excited for her and I’m very proud of her because efforts niya lahat ito.
“Kalahati lang ako na nagbigay ng shares sa kung ano man ang meron siya ngayon, and kalahati no’n sa family naman daw ng tatay ni Ashley.
“I’m very proud of her and very grateful kasi kahit na malayo kami sa isa’t isa, hindi nasayang yung effort.”
Magkasama ang mag-ama na naninirahan sa California.
***
LUIS HUMIHIRIT NA NG ISA PANG BABY, JESSY NAKIUSAP, PAGALINGIN MUNA ANG SUGAT
Nawindang si Jessy Mendiola nang tanungin siya ng mister na si Luis Manzano, “Gawa 1 more?”
Sa IG ni Jessy ay ibinahagi niya ang sagot sa tanong ng mister na isang TV host.
Shinare kasi ni Luis ang picture ng kanyang mag-ina na nakita ang mabilis na paglaki ni Baby Peanut.
Kàya nag-request siya kay Jessy ng isa pa.
Ang sagot ni Jessy, “Pagalingin ko muna sugat ko hahahaha.”
Ceasarian kasi si Jessy na nanganak nu’ng December 28 last year.
Wala pa nga namang six months Luis ang operasyon sa kanya.
Makakapaghintay ka naman di ba hangga’t maghilom ang sugat ni misis.