Advertisers

Advertisers

Covid update: 539 gumaling; 73 nasawi; 2,673 bagong kaso

0 184

Advertisers

UMAKYAT na sa 354,338 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid 19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong 2,673 infection base sa pinakahuling ulat ganap na alas-4 ng hapon ngayong Sabado, Oktubre 17.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa NCR na umabot sa 646, Region 4A na may 603, Region 3 na may 213
Nakapagtala naman ang DOH ng 539 na bagong gumaling mula sa covid 19. Dahil dito nasa kabuuang 295,312 na ang mga gumaling.
Nakapagtala rin ang DOH ng 73 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 6,603 na ang kabuuan.
May 85 duplicates naman na tinanggal sa total case count. 78 dito ay recovered cases at isa ang namatay.
Samantala may 14 na kaso na naunang inulat na gumaling pero ito ay reclassified na namatay. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)