Advertisers
Ni JOVI LLOZA
PANGATLONG anunsiyo na nga raw ni Sharon Cuneta ang napipinto nitong pagreretiro sa showbiz.
Ilang araw bago pa man ang announcement na retirement ni Megastar sa showbiz, biglang bawi na hindi na tuloy ang kanyang pagre-retire sa showbizlandia dahil may mga upcoming project pa ito na gagawin.
Sa socmed nito ay inihayag nito na dalawang dekada pa siya sa showbiz bago pa man ang tuluyang pagreretiro ni Ate Shawie.
Meaning, kahit maputi na ang buhok ay mananatili pa rin si Sharon sa showbiz like Anita Linda at Gloria Romero na kahit matatanda ay ariba pa ang career sa entertainment.
Kinuha lang marahil ni Sharon ang pulso ng netizens sakaling magretiro na ito sa showbiz.
Pero sa tulad ni Sharon na malaking bahagi na ng buhay ang pagpasok nito sa showbiz lalo na’t bata pa lang ito nang mapabilang sa industriya kaya malabo na agad na makalimutan at talikuran na nito ang showbiz.
After 2 decades pa raw na pananatili sa limelight ay doon pa nga lang daw iiwan ni Mega ang showbiz.
***
Ini-enjoy na ang work from home…
Bossing Vic tinatamad na mag-live sa studio
MULA ng pandemya at ipinagbawal ang paglabas ng mga senior na belong na si Bossing Vic Sotto, kaya minabuti na lang ng main host ng long running noontime show, ang Eat Bulaga na si Bossing Vic na work from home na lang ang peg nito.
Sa tagal na nga raw sa showbiz ni Bossing Vic ay now lang daw ito napirmi ng bahay dahil sa pandemya.
Pabor at malaking pakinabang naman daw sa mag-ina ni Bossing Vic na sina Pauleen Luna at Baby Tali na more bonding ang nangyari sa family.
Kuwento ni Bossing Vic na nagkaka-bonding lang silang pamilya pag nagta-travel sila ng ilang weeks.
Pero ngayon dahil pandemic ay more time ang bonding ng mag anak dahil work from home si Bossing Vic.
Aba, kabilang na rin si Baby Tali sa Dabarkads na maraming naaliw na netizens.
Sa tingin ni Bossing ang anak na si Tali ang magmamana sa kanyang trono sa pagka-komedyante.
Sa nangba-bash sa anak nila na si Tali ay ipinasa-Diyos na lang ni Bossing Vic, “Bahala na sa kanila si Lord!”
Paano nga raw kung matagalan pa ang work from home ni Bossing Vic, tamarin na raw kaya ito magpunta ng studio?
Well, well, well…’Yun na!