Advertisers

Advertisers

IMBESTIGASYON NG SENADO HINGGIL SA P6.7-BILYON SHABU HAUL, UMIIKOT-IKOT LANG SA PUNO NG KAMATIS

0 129

Advertisers

Umiikot-ikot lang umano sa puno ng kamatis ang imbestigasyon ng Senado hinggil sa sinasabing cover-up ng matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa kumpiskadong shabu noong lumipas na taon 2022 na tinatayang nagka-kahalaga ngP 6.7-BILYON.

Ang kumpiskadong droga na tumitimbang ng 970 kilos na halos isang tonelada ay napag-alamang tinapiyasan ng 40 kilos ng ilan operatiba na balak umanong gawing perang muli sa lansangan.

Mula sa evidence room, nilabas at pinuslit umano ng isang Sgt. Rodolfo Mayo Jr. ang 40 kilo nito na pinaniniwalaang may basbas at go signal ng ilan matataas na opisyal ng PNP kung kaya’t nasabing may cover-up na naganap.



Ang akusasyon ay batay sa nilabas na video ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. na kung saan nakunan ang ilan opisyal ng PNP na may rangong Heneral, Koronelat Major kasama si Mayo na siyang may dala ng drogang nagkakahalaga ng bilyong piso.

Ang mga opisyal na ito ay kasalukuyang ini-imbestigahan sa senado gayundin sa camara de representante na tila wala pa ring napipigang ebidensiya na magpapatunay na may sabwatan o’ cover-up na naganap.

Sa loob halos ng dalawang buwan ay iyon pa rin ang mga tanong ng mga senador na pinamu-munuan ni Senador Bato de la Rosa ng committee on peace and order and illegal drugs.

Kung iyon pa rin ang mga tanong ay iyon pa rin ang pirmis na sagot ng mga umanoy sangkot sa cover-up kung kaya’t marami ang nagsasabing imiikot-ikot lang daw ang sesyon sa puno ng kamatis.

Sana man lang daw ay sa puno ng bayabas umi-ikot ang kuwento para malakilaking espasyo ang ginagalawan at maraming sanga nito ang dapat pang himayin pero kamatis ito at nandon na lang ang huling yugto ng kuwento.



May kasabihan nga naman sa english na “stop beating around the bush” ngunit hindi yata ito applicable sa situwasyong ito, mukhang kailangan pa ng pressure at conviction.

Mantakin niyong sa isang libong tinanong ng mga senador sa leading man na si Mayo ay walang ibang sinagot ito kundi “i invoke my right to be silent”, wala at hanggang doon na lang.

Hindi rin maiaalis sa marami nating kababayan na sumama ang loob dahil parang pinasakay sa tio vivo ang ating mga senador na kung saan pinaikot-ikot na lamang.

Para daw karnibal at mistulang nakaandador ang mga pinagpipitagan nating mga senador na walang ibang magawa kundi ang mapikon. Ganon talaga ang proseso kaya kailangan humanap ng pangontra sa kanilang istilo.

Sa puntong ito ay maliwanag pa sa sikat ng araw ang nasa mali. Biruin niyong mga alagad ng batas ang sangkot dito na dapat sanang sila ang sumu-sugpo, umaaresto at protektor ng publiko laban sa illegal na droga.

Subalit kabaligtaran ang nangyari dahil sila pa mismo ang nagpapalaganap, distributor at nagbe-benta sa mga mamamayan… susmaryosep… tsk… tsk… tsk…

Ang isang karaniwang mamamayan kapag nahuli nilang humihitit o gumagamit siguradong kulong at mas lalong kawawa kapag ikaw ay nahulihan ng 5 gramo pataas, wala pang isang linggo ay may hatol na sayo… reclusion perpetua o life sentence, kawawang Juan de la Cruz.

Samantalang tingnan niyo ang mga damuhong ito hindi lang gramo ang hawak kundi kilo-kilo at tonelada ngunit hanggang sa kasalukuyan ay on-going pa rin ang kaso at nananatili pa ring inosente, ano ba naman iyan?

Mainam din ang hinain na batas ni Senador Robinhood Padilla sa Senado na muling ibalik ang death sentence o death penalty sa mga taong sangkot sa heinous crime ngunit ito ay exclusibong para lang sa mga pulis at sundalo.

May punto at sustansiya rin ang panukala ni Senador Robin, ‘di po ba? Bakit kamo? Ito nga namang mga pulis at sundalong ito ay may sinumpaang tungkulin at may layunin, alam na alam nila iyon… TO SERVE AND PROTECT!!!

Itanim na lang natin sa ating mga kukote na hindi aamin ang mga taong sangkot dito dahil sila ang nagpapaamin. Siguradong pinag-usapan na nila ito at paninindigan na anoman ang mangyari. Isipin na lang natin na totoo at makatotohanan ang kasabihang “ANG MGA SINUNGALING AY KAPATID NG MGA MAGNA-NAKAW” HE… HE… HE…