Advertisers

Advertisers

DECRIMINALIZING MARIJUANA?

0 141

Advertisers

Bilang pagpapahalaga sa HERBAL MEDICINES ay isinusulong ni DAVAO DEL NORTE 1st DISTRICT REPRESENTATIVE/ FORMER HOUSE SPEAKER PANTALEON ALVAREZ ang HOUSE BILL No. 6783 para sa DECRIMINALIZATION OF MARIJUANA na naglalayong maamyendahan ang REPUBLIC ACT No. 9165 o ang COMPREHENSIVE DANGEROUS DRUGS ACT OF 2002

Napakahalaga ang isinusulong na ito ni CONGRESSMAN ALVAREZ dahil maraming mga bansa na ang ginawang LEGAL ang CANNABIS o ang MARIJUANA FOR MEDICINES.., na dahil lamang sa nilalaman ng RA 9165 ay silbing sagwil ito sa ating bansa para sa hangaring magamit bilang panggamot sa iba’t ibang uri ng sakit ang MARIJUANA PLANTS ., na kung maamyendahan ito ay magiging malaking kapakinabangan sa ating bansa hindi lamang sa larangan ng medisina kundi maging sa ekonomiya ng ating bansa ay magiging malaki ang isusulong nito.

Sa naging pagbisita kamakailan ni CONG. ALVAREZ sa BAUERTEK LABORATORY na pinangangasiwaan ni SCIENTIST INVENTOR DR. RICHARD NIXON GOMEZ ay nakumbinse ang una na magagawa na ngang kapaki-pakinabang ang MARIJUANA FOR MEDICAL USED sa pamamagitan ng LABORATORY PROCESSES.



Sa mga isinasagawang MEDIA HEALTH FORUM na ang MODERATORS ay sina VETERAN BROADCAST JOURNALIST ROLANDO “LAKAY” GONZALO at EDWIN EUSEBIO ay naihayag ni DR. GOMEZ na ang paggamit ng CANNABIS OIL ay pinayagan na ng FOOD AND DRUG ADMINISTRATION (FDA).., yun nga lang ay KAILANGAN IMPORTED CANNABIS OIL.., kung LOCAL MADE ay BAWAL.., kasi nga ay dahil sa ipinaiiral ng RA 9165 na ang MARIJUANA ay kabilang sa PROHIBITED DRUGS.

Naihayag naman ni MS. ZARAH UYTINGBAN na PROGRAM SPECIALIST ng OFFICE OF CANNABIS MANAGEMENT ng SACRAMENTO CITY.., na noong maging LEGAL ang CANNABIS sa SACRAMENTO, CALIFORNIA at sa halos 20-years niyang pamamalagi sa CALIFORNIA ay napakalaki ang naging ambag sa medisina ang naturang halaman na napagagaling ang mga sakit tulad ng Autism, Cancer, Chronic Pancreatitis, HIV, epilepsy, seizure disorder, Alzheimer’s disease at iba pang mga karamdaman.., kung saan, ang CANNABIS sa CALIFORNIA ay maaaring gamitin bilang personal used hindi lamang bilang health medicine.

Bunsod nito ay naihayag ni CONG. ALVAREZ na kinakailangang maamyendahan ang RA 9165 at ito ay nasa pagbusisi ng mga mambabatas na kailangang maging bukas ang kaisipan para sa MEDICAL PURPOSES.

Inihayag pa ni CONG. ALVAREZ na ang bansang THAILAND nang maging LEGAL ang CANNABIS ay tumaas ang kanilang turismo.., dahil ang mga karatig-bansa na hindi pa LEGAL ang paggamit ng CANNABIS ay dumarayo sa nasabing bansa.

Bukod sa naturang bansa ay halos 70 mga bansa ang LEGAL na ang CANNABIS MEDICINE.., kaya naman marami nang mga personalidad sa ating bansa ang nananawagan para mapakinabangan sa larangan ng medisina ang MARIJUANA PLANTS sa halip na laging winawasak o sinusunog ng LAW ENFORCERS ang tone-toneladang mga natatagpuang MARIJUANA PLANTS.



Mga ka-ARYA… ang FDA ay pinahihintulutan ang paggamit ng IMPORTED CANNABIS OIL..gayong dito sa ating bansa ay kusang tumutubo lang ang MARIJUANA e bakit hindi pahintulutan na ang mga halamang iyan ay maiproseso ng ating mga dalubhasa sa siyensiya sa gabay ng gobyerno.

Anong LOGIC na maaaring gamitin ang IMPORTED CANNABIS OIL pero ang LOCAL CANNABIS ay ILEGAL o BAWAL? Hindi kaya ang mga BIG PHARMACEUTICAL sa ating bansa ang tumututol sa MARIJUANA LEGALIZATION dahil babagsak ang kanilang MEDICINE PRODUCTS kapag naging legal na ang CANNABIS MEDICINE sa ating bansa?

Sa punto ni DR. GOMEZ.., kapag naging LEGAL na ang MARIJUANA FOR MEDICAL ay gagaan ang magiging gastos ng mga pasyente dahil aniya, kahit mahirap na pamilya ay kakayanin na ang presyo ng CANNABIS OIL o CANNABIS CAPSULES kumpara sa mga gamot na ibinebenta ng BIG PHARMACEUTICAL COMPANIES.

Ika nga mga ka-ARYA…, dapat maging bukas ang kaisipan ng ating mamamayan lalo na ang ating mga GOVERNMENT OFFICIAL.., na kung sinsero sa pagbibigay malasakit sa mga may karamdaman ay napapanahon nang pakinabangan ang likas na yamang taglay ng MARIJUANA PLANTS sa ating bansa.., magpapagaling na sa mga may karamdaman sa murang bayarin lamang at mag-aambag pa ito ng.malaking kita para sa PHILIPPINE ECONOMY!

***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.