Advertisers

Advertisers

Gilas Pilipinas minasaker ang Cambodia 80-69

0 159

Advertisers

NASUNGKIT ng Gilas Pilipinas ang gintong medalya matapos na magkampeon sila sa men’s basketball finals sa nagpapatuloy na 32nd Southeast Asian Games.

Tinambakan nila ang host country na Cambodia sa score na 80-69.

Ang panalo ay tila pagbawi ng men’s national basketball team ng talunin sila ng Cambodia noong nakaraang linggo.



Bumida sa panalo ng Gilas si Justin Brownlee na nagtala ng 23 points habang hindi bababa sa siyam na puntos ang nagawa ng karamihang manlalaro.

Sa simula ng laro ay umarangkada na agad ang Gilas kung saan ipinakita nila ang kanilang kasabikan na makuha ang gintong medalya.

Magugunitang unang tinalo ng Gilas ang Indonesia 84-76 sa semifinal rounds Lunes ng gabi.