Advertisers

Advertisers

Ramin, Macatula nangunguna sa open qualifiers ng PIO keg tourney

0 120

Advertisers

NATIONAL junior bowler Zach Ramin at dating World Cup champion Krizziah Tabora-Macatula ang nangunguna sa men’s at women’s open division qualifying round, ayon sa pagkakasunod,ng Philippine International Tenpin Bowling Championship.

Miyembro ng PH squad na sumabak sa Asian junior bowling kegfest na ginanap sa Bangkok,Thailand nakaraang Agusto, Ramin may kabouang six-game series na 1413 (783-630) habang si Macatula, ang 2017 World Cup women’s champ, tallied 1276 (622-654) sa Coronado Lanes sa loob ng Starmall sa Mandaluyong.

Ramin ay may seven pins ahead kay second running national team veteran Ivan Malig (1407) habang ang kapwa national teammate Patrick Nuqui ay sa third spot (1375) sa paligsahan na inorganisa ng Philippine Bowling Federation.



Defending men’s champion Merwin Tan umiskor ng six series total na (682-662) sa kegfest na suportado ng Philippine Sports Commission.

Ilan sa maagang dumating mula overseas ngayong weekend ay ang 23-man Singaporean squad, with Darren Ong (1303), Joel Tan (1283) at Daniel Zheng Yi (1261), nakuha ang top three spots sa qualifying stage ng men’s open foreign bracket.

Kapwa Singaporeans Jazreel Tan (1320) at Charmaine Chang (1251) ang first at second,ayon sa pagkakasunod, sa qualifying women’s open foreign class.