‘Di lang aktres at writer… Bela kinakarir na rin ang pagiging composer; Barbie ‘di ginagawang biro ang vlogging
Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
PINATUNAYAN ni Bela Padilla na hindi lang siya magaling na aktres.
Nominado siya ngayong taong ito sa 43rd Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino para sa kanyang pagganap sa “Mananita.”
In terms of acting, matagal nang napansin ang kanyang pagiging markado sa mga pelikulang “100 Tula Para Kay Stella”, “A Day After Valentine’s”, “Meet Me in St. Gallen”, Of Vodka, Beer and Regrets”, “Miracle in Cell No. 7” at marami pang iba.
Napatunayan na rin ang galing niya bilang story writer dahil siya ang sumulat ng iskrip ng mga pelikulang Luck at First Sight, Camp Sawi at Last Night.
Ngayon naman, pinakita niya na may ibubuga rin pala siya sa songwriting.
Patok ang kanyang music video na “Nighttime” na mapapanood sa kanyang Youtube channel na patuloy na nagtre-trending sa socmed.
Ani Bela, ito raw ay isang “quarantine song” na tumatalakay sa nararamdaman ng isang taong nai-in love at nag-fall out of love sa panahon ng quarantine summer.
Maraming netizens ang nakaka-relate rito na dahil sa tema at positive quarantine vibe nito na gets na gets ang mensahe ng kanta.
Ito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa kanyang musical composition.
“It’s so relaxing and made me Forget at the Problems i have During this Pandemic.” “Phenomenal as always Bela! Sobrang nakaka-inspire main-love with the melody and lyrics.”
“The sweetest song I’ve ever heard in this pandemic crisis. Loves uuu bells and that lyrics tho.” “Not just a talented scriptwriter she’s a great songwriter and singer too.:) good job bela! more power to you.”
***
NANG mag-vlog si Barbie Forteza, never niyang naisip na gamitin ito sa kalokohan.
Gusto lang daw kasi niya na mapasaya ang kanyang fans at ma-update sila sa mga ganap sa kanyang buhay.
Hirit pa niya, parang hindi raw niya feel ang mag-resort sa pranks para lamang mapag-usapan ang kanyang vlog.
“Kasi ‘yung ibang tao parang kilala lang ako as ‘yung umiiyak sa TV or ‘yung impersonator ni Kris Aquino.
“Gusto kong makita nila kung sino talaga ako. I want them to know me deeper.
“Kaya hindi ako masyadong nagba-vlog ng mga behind the scenes sa set kasi trabaho ito, nakita na nila ito.
“Ang gusto kong ipakita sa kanila, kung sino ako as Barbie na hindi artista. Kung ano ‘yung mga hilig ko, ganyan,” ani Barbie.
Isa sa inaabangan sana ng kanyang subscribers ay ang prank videos niya sa mga taong malapit sa kanyang buhay gaya ng boypren na si Jak Roberto na wala sa isip niyang gawin.
Say ni Barbie, in-open niya ang kanyang YouTube channel para makilala siya ng mga fans at wala raw sa kanyang plano ang mag-prank.