Advertisers

Advertisers

Star For All Seasons At Movie Queen Vilma Santos, Next National Artist At ‘Di Si Lea Salonga

0 1,820

Advertisers

Ni PETER LEDESMA

ARTISTA na si Vilma Santos ay wala pa sa showbiz si Nora Aunor. At ito namang si Lea Salonga, hindi pa ipinapanganak noon, sa edad na siyam ay nagwagi na si Ate Vi ng kauna-unahan niyang “Best Child Performer” throphy sa FAMAS noong 1963 para sa pinagbidahang “TRUDIS LIIT.”
Kaya para sa sarili naming opinyon, ang talagang may “KARAPATAN” na maging next National Artist ay si Ate Vi for Film and Broadcast at hindi si Lea. Bagaman nagbigay siya (Lea) ng karangalan sa ating bansa para sa Miss Saigon, pagdating naman sa ambag sa sining ng pelikula at telebisyon ay sobrang dami ng achievements ni Ate Vi kumpara sa kanya.
Huwag naman kasing ikumpara ang ginto sa tanso no! Speaking of Ate Vi, nakagawa siya ng daan-daang pelikula sa Sampaguita Pictures, Tagalog Ilang-Ilang Productions, Regal Films, Viva Films at iba pang mga film outfit.
Isa rin siyang multi-awarded actress at hindi na mabilang ang kanyang Best Actress Award. At lahat ng magagaling at respetadong mga direktor gaya nina Lino Brocka, Celso Ad Castillo, Ishmael Bernal, Danny Zialcita, Chito S. Rono, Maryo J Delos Reyes, Mike de Leon, Jeffrey Jeturian para sa kauna-unahang indie movie na “EKSTRA”, Emmanuel “Maning” Borlaza na isa sa favorite director ni Vilma at iba pang mga sikat na director.
Napanatili rin ni Ate Vi sa anim na dekada niya sa showbiz ang kanyang clean image kaya naman hanggang ngayon ay isa siya sa pinagkakatiwalaang veteran actress na product endorser gaya ng The Generics Pharmacy, Angkas etc. Tinagurian din siyang Star For All Seasons at Queenstar at kilala siyang Queen of Philippine Movies. Sa telebisyon ay napatunayan din ni Ate Vi ang mass appeal niya kaya’t tinangkilik ng kanyang mga tagahanga ang kanyang variety show na “VILMA” na napanood mula 1986 hanggang 1995 tuwing Friday sa GMA7.
Nabigyan din ng iba’t ibang parangal si Ate Vi. Siya rin ang may pinakamaraming ginawang Darna movie na pawang blockbuster. Dugo, pagod, pawis at talento ang mga ipinuhunan ng multi-awarded actress bago maabot ang pagiging Box Office Queen ng ilang beses at maging Star For All Seasons.
Kaya Ms. Nora Aunor, si Ate Vi talaga ang higit na may karapatan para sa susunod na National Artist Award no! Samantala, last month ay isa si Ate Vi sa ginawaran ng Film Development Council of the Philippines na pinamumunuan ni Tirso Cruz lll ng “LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD.” Klaro na ba Ate Guy?
***
Filmmaker Direk Reyno Oposa Script Reading At Rehearsal Na Sa Pagbibidahang Intl Stage Play
OFF to Mississauga, Canada si Direk Reyno Oposa para makipagkita sa producer at director na si Tito Joe Ford, para sa kanyang kauna-unahang International stage play na “NAKAKAPASO ANG LAMIG,” na siya ang bida.
First time sa teatro ni Direk Reyno, sanay siya sa paggawa ng indie movies at short films pero yung umarte sa entablado ay bagung-bago kay Direk Reyno. Kaya very memorable sa kanya ang script reading at rehearsal ng kanilang play na itatanghal sa Canada.
May plano rin na gawan ito ng movie version lalo na kapag nagtagumpay ang pagtatanghal nito. Aba, kapag tinangkilik ng ating mga kapwa Pinoy at Canadian ang Nakakapaso Ang Lamig, magiging instant sikat na actor sa Canada si Direk Reyno at pwede na siyang matawag na Filipino Pride pag nagkataon.
Yes, pinagsasabay ng kaibigan naming movie director ang kanyang trabaho at itong first acting sa play. Well good luck, Direk.
***
After Ng Successful Trip Sa Macau… Harold Montano Balik Pelikula Sa “KAMAO NG KIDLAT”
DATI ay pa-sexy sa mga pelikulang ginawa niya ang indie actor at tinaguriang “Snake Man” na si Harold Montano. Ngayon ay susubukan naman ni Harold na mag-action sa “KAMAO NG KIDLAT” kung saan isa siya sa lead role.
Yes, after ng kanyang successful trip sa Macau, balik pelikula na nga si Harold. Kasama niya sa cast ang isa pang gumaganap na bida na si James Merquise na director din ng Kamao at Kidlat.
Mapapanood na ang teaser nito sa FB Page ni Harold at matindi ang bakbakan sa nasabing pelikula na parte rin ng cast sina Miekyla De Guzman at Gericka Daza. Si Cye Soriano naman ang gaganap na mother ni Harold as Kamao Ng Kidlat na lider ng Mafia sa buong Luzon ang kanyang character at kanyang makakalaban na si Direk James Merquise bilang si Kardo na mortal niyang kaaway sa said movie. Soon ay ire-release ito this year. Samantala, may mga cover song din pala sa Spotify si Harold at pakinggan niyo ang latest upload niya para sa version niya ng “ARAW GABI.”