Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
ISA sa mga tinanong ni Boy Abunda kay Matteo Guidicelli nang mag-guest ang aktor sa Fast Talk With Boy Abunda, kung totoong hindi sila pinapasok ng asawa niyang si Sarah Geronimo sa Quezon City village na tinitirhan ng mga magulang ng singer-actress, dahil may utos sa mga guwardiya na huwag silang papasukin.
“Aahh… nakalimutan ko na Tito Boy, e,” paiwas na sagot ni Matteo.
“Is that true that you attempted actually to go to the house?” muling usisa ni Kuya Boy kay Matteo.
“There’s several instances,” pag-amin na ni Matteo.
“But you know, to speak about it in details, it’s best to keep it private parang respect to them ba.
“They’re my in-laws and I wish to love them. I wish to love them for Sarah’s sake. For the family’s sake.”
Tanong ni Boy, “Is she talking to them?”
Sagot ni Matteo,”I’d like to believe so also. They have a connection naman and I think Sarah’s humility would always… and love for her parents…
“Talagang she did a tribute for the dad and mom during the show. It was so touching. It was so beautiful. The whole Araneta was crying kumbaga. It was so nice.
“You know, at the end of the day, it’s just so important to realize how much you should honor your parents.
“Through thick and thin, whatever happens in life, they’re parents. They brought us to life and we have to honor them.”
Inamin din ni Matteo na hindi sila nag-uusap ng mga magulang ni Sarah.
Pero ayon din kay Matteo, “There’s always possibilities in life. They’re all double, possible if you have the proper intentions, di ba?
“It’s pure, straightforward, and with a pure heart, anything is possible,”aniya pa.
***
120K NAKILAHOK SA SUMMER BLAST 2023
KUNG ang Chicago ay may Lollapalooza at ang California ay may Coachella, ang Pilipinas may Summer Blast! Tampok ang bigating concert experience, samu’t saring pasyalan, amusement rides, booths at summer-themed attractions, talaga namang nag-level up pa ang event ngayong 2023.
Mahigit 120,000 katao ang nagtungo sa Philippine Arena Complex, Ciudad De Victoria, Bocaue, Bulacan nitong Mayo 13 para makilahok sa Summer Blast. Batay sa mga ulat, walang naging aberya sa trapiko dahil sa bagong sistema ng traffic flow management na ipinatupad.
Nakisaya at nakikanta naman ang music fans sa performances ng mga bigating artists tulad ng Sponge Cola, Silent Sanctuary, Rocksteddy at si Gloc-9. Dinumog ang Philippine Sports Stadium na halos di mahulugang-karayom sa dami ng nanood.
Hindi lang ang mga manonood ang natuwa sa concert. Mismong ang mga artist, nagpahayag din ng kanilang naging experience.
“Masyadong masaya! Maraming salamat sa pagmamahal Hanggang sa muli!” sambit ni Gloc-9.
Hindi rin nagpahuli ang Silent Sanctuary na nag-post sa kanilang official page ng “It really was a blast!”
Nagtanghal din ang Soapdish, Bandang Lapis, Sunkissed Lola, Dilaw, Jumanji, Calista, Lunar Lights, Eclipse, Goodwill at si Noah Alejandre.
Lumutang ang galing at charisma ng bandang Dilaw na sumikat sa kanilang kantang ‘Uhaw.’ Sakto sa tag-init ang kanta at ayon sa banda, na-excite sila sa dami ng nanood.
“We’re super excited, a bit nervous, it’s our first time playing in a venue like this. The idea of playing in a venue like this is very exciting,” pahayag ng banda sa isang interview.
Marami rin ang nabilib at napahanga sa bandang Sunkissed Lola. Ito umano ang unang beses na nakatugtog sila sa napakalaking crowd.
“[It’s] our first time performing sa ganito kalaking crowd. Sobrang overwhelming. Ang solid, ito yung pinakamagandang set-up ng stage,” sambit ng bandang Sunkissed Lola pagkatapos ng kanilang set.
Natapos ang concert sa isang nakamamanghang fireworks display na labis na ikinatuwa ng mga manonood.
Nasilayan ng fans ang NET25 artists gaya ng cast ng Quizon CT na sina Eric Quizon, Epy Quizon, Boy 2 Quizon, Vandolph Quizon, Bearwin Meily, Gene Padilla, Gary Lim, Martin Escudero, Yow Andrada, Charuth, Billie Hakensonn, Tanya, Donna Cariaga at Isabelle De Los Santos. Present din ang cast ng GoodWill na sina Raymond Bagatsing, Devon Seron, David Chua, Smokey Manaloto, Ryan Rems, James Caraan, at Kat Galang, ang mamamahayag na si Alex Santos, TV host Love Anover, Atty. Sal Panelo, mga actress na sina Meg Imperial at Regine Angeles. Sina Alexa Miro, Jiro Custodio at Ai Dela Cruz ang nag-host sa concert.
Inaliw naman nina Anthony Ocampo at Tonipet Gaba ang crowd sa pre-show ng concert.
Bago pa ang concert, nakapaglibot ang mga manonood sa iba’t ibang atraksyon na matatagpuan sa Philippine Arena complex tulad ng The Garden, Butterfly Garden, Airsoft Grounds, Museum of Death at House of Mirrors.
Para naman sa mga hindi nakapanood sa mismong araw ng event, mabibigyan pa rin sila ng tsansang makisaya sa Summer Blast dahil ipalalabas ito sa NET25. Abangan ang detalye sa social media platforms ng istasyon.
Sa pagtutulungan ng pamunuan ng Philippine Arena, Maligaya Development Corporation at NET25, naging matagumpay ang kabuuan ng Summer Blast. Kabilang sa sponsors ng malaking event na ito ang UnionBank, Purefoods, Salem, Executive Optical, Ketopi Philippines, Reinoldmax (WSG Group), Pepsi PH, Godwin Catering, Sunwealth Land Development Corp., Kettle Korn, Eat’s Tukka Time, Max’s, Pacific Synergy Food and Beverages, Skinny Manufacturing Corp., Moon Leaf, MKS, Nature’s Spring, Kapelonggo. E-asypreneur, Canriv Corporation, YC Yummy Ventures, SSB Food Services Corp., Zandhats Express, Goshi Herbal Coffee at EW Villa Medica.
Para sa mas marami pang impormasyon, maaaring tumawag sa NET25 Sales and Marketing Department sa numerong 8784-7450 loc. 1162 o bumisita sa NET25 webiste, https://net25.com