Advertisers

Advertisers

Tom may payo para mapanatili ang apoy sa relasyon

0 286

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

PARA sa Kapuso actor na si Tom Rodriguez, mahalaga na kilalanin nang mabuti ang partner para mapanatili ang “spark” sa isang relasyon. Aniya, “Siguro huwag tayo magiging kampante o masyadong pamilyar sa mga katuwang natin sa buhay. Lagi nating tandaan kung bakit ba natin sila minahal. Mas lalo pa natin silang kilalanin at mas lalo pa natin silang pahalagahan.”

Dagdag ni Tom, importante rin ang komunikasyon, “Kailangan talaga ang komunikasyon at ‘yung mga panibagong paraan para makilala pa lalo ang isa’t isa at mapanatili ang spark o apoy na ‘yon.”



Napapanood si Tom sa “I Can See You: High-Rise Lovers” tuwing 9:15 p.m.hanggang October 16 sa GMA Telebabad.

***

MASAYA at fulfilling kung ilarawan ng cast ng ‘I Can See You: High-Rise Lovers’ na sina Lovi Poe, Winwyn Marquez at Tom Rodriguez ang kanilang naganap na lock-in taping.

Bagama’t nanibago sa pagbabalik-trabaho at sa new normal taping, masaya raw ang cast ng serye dahil nakatapos sila ng isang magandang proyekto.

“The sense of fulfillment after ng buong taping, talagang you just can’t beat that feeling everytime nakatapos ka ng proyekto,” ani Lovi.



Dagdag pa ni Winwyn, “Ang sarap sa pakiramdam na I’m in front of the camera again and working with these actors and alam kong may ipapalabas kami na sobrang worth it panoorin.”

Sang-ayon din si Tom sa sinabi ng kanilang direktor na si Direk Monti Parungao na kakaiba ang atake at twist sa kanilang show at wala ring kontrabida na maituturing, “Everyone is a victim of circumstance na you could almost kind of see and feel or emphatize kung paano sila nadadala sa mga sitwasyon na ‘yon.”

Kasama rin nila sa cast ang actor-comedian na si Divine Tetay at aktres na si Teresa Loyzaga. Mapapanood ang ‘I Can See You: High-Rise Lovers’ mula October 12 hanggang October 16, sa GMA Telebabad.

*** 

GABBY NAGHAHANDA NA SA LOCK-IN TAPING NG SERYE

IBINAHAGI ng batikang aktor na si Gabby Eigenmann ang ginagawa niyang paghahanda para sa nalalapit na lock-in taping ng pinagbibidahang GMA Afternoon Prime series na ‘Bilangin ang Bituin sa Langit.’

Bukod daw sa pag-eehersisyo, kinailangan din daw ni Gabby na muling patubuin ang kanyang balbas para sa karakter ni Arthur Zulueta, ang boss ng karakter ni Mylene Dizon na si Nolie.

Inihahanda na rin daw ni Gabby ang  sarili emotionally dahil matagal-tagal din siyang mawawalay sa kanyang pamilya para sa lock-in taping, “Emotionally, I have to prepare myself also kasi nga, matagal akong mawawala sa bahay so mami-miss ko ang kasama ko rito.”

Pagku-kuwento pa ni Gabby, expected na rin naman daw ng kanyang apat na anak na darating ang panahon na kailangan niyang bumalik sa pagte-taping, “Ready naman sila in a way pero physically, dahil wala nga ako, sana masanay sila nang kaunti kasi buong six months, magkakasama kami.”

***

TUNGHAYAN ang totoong kuwento tungkol sa pag-ibig na hindi magpapatalo sa panghuhusga.

Tampok sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino ngayong Sabado na sa Sign Language Of Love episode ng Magpakailanman, 8:15 pm pagkatapos ng The Clash sa GMA.

Abangan si Jeric bilang si Alex, isang estudyanteng may kapansanan na mai-in love sa teacher niya na si Beth, na gagampanan naman ni Thea.

Ngayong Sabado na sa Magpakailanman. #MPKSignLanguageOfLove.