Advertisers

Advertisers

Nawawalang mangingisda natagpuang kinakain ng mga pating

0 172

Advertisers

ANG katawan ng nawawalang mangingisda ay natagpuang kinakain ng mga pating sa karagatan ng Lubang, Occidental Mindoro.

Ayon sa ulat, kalahati ng katawan ng biktima nalang ang narekober ng mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Bureau of Fire Protection, at ng Philippine Coast Guard station sa Barangay Bicanas.

Ang biktima ay huling nakitang buhay Mayo 10 nang magsabi itong idaan siya sa erya. Gusto niyang mangisdang mag-isa.



Hinanap siya ng mga wtoridad sa karagatan ng Lubang hanggang gabi ng May 11. Nakita ang kanyang katawan kinabukasan, May 12.

“Nakita nila ‘yung mga ibon na nakapatong sa tubig. Nu’ng malapit na sila, nakita nila ‘yung bangkay,” sabi ni Lubang Mayor Mike Orayani.

“Inabot nila ‘yung bangkay, nandoon pa ‘yung ulo ang kaso, napakaraming tiger shark na nakapaligid, kinakain na ‘yung katawan,” sabi pa ng alkalde.

Binaril ng maritime police officer ang isa sa mga pating, pero kalahating katawan nalang ng biktima ang narekober at dinala ito sa kanyang pamilya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">