Advertisers

Advertisers

Inarestong police captain nanuntok ng patrolman sa presinto

0 161

Advertisers

NAHAGIP ng CCTV ang panununtok ng isang inarestong police captain sa isang patrolman habang nasa presinto sa Cagayan de Oro City.

Kinilala ang inaresto na si Police Captain Alvin Jay Dasilyo, miyembro ng Regional Mobile Force Battalion 10.

Inaresto si Dasilyo nang manuntok at manutok ng baril sa isang menor de edad.



Sa kuha ng CCTV, makikitang hawak ni Dasilyo ang kamay bago ilang beses na sinuntok si Patrolman Neil Joe Solas.

Si Solas ay miyembro ng Macabalan Police Station na siyang umaresto sa opisyal.