Advertisers
INIHAYAG ng Department of Tourism (DOT) na magkakaroon ito ng panibagong slogan.
Ito ang sinabi ni Tourism Secretary Maria Christina Frasco sa isinagawang press briefing sa Malakanyang.
Dahil mahalaga ang opinyon ng mga stakeholders, sinabi ni Frasco na kinu-konsulta nila ang mga ito.
Partikular na tututukan ng DOT ang pagtatampok ng puso at kaluluwa ng mga Pilipino na maliwanag aniyang taglay ng ating kultura, mga fiesta pagkain, at mga lokal na produkto ng mga maliliit na negosyo o Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs).
Tiniyak ng kalihim na masisiyahan at mamahalin ng mga Pilipino ang ilalabas nilang bagong slogan o country brand dahil ibibida rito ang ating lahi na marapat aniyang ipagmalaki sa buong mundo.
Nagpapatuloy pa rin sa kasalukuyan ang ating slogan na nakilala sa buong mundo bilang “It’s more fun in the Philippines.” (GILBERT PERDEZ)