Advertisers

Advertisers

Titser pinapasok sa iskul sa Maynila nagpositibo sa COVID-19

0 286

Advertisers

NAGPOSITIBO ang isang guro ng Manuel A. Roxas Senior High School sa Manila matapos makaramdam ng sintomas ng COVID-19.
Sa ulat, ang naturang guro ang pangulo ng The Teachers’ Dignity Coalition (TDC), Manila chapter, na si Ildefonso “Nono” Enguerra III.
Ayon sa report, Hulyo 22 nang sumailalim ang nasabing guro sa swab test matapos magkaroon ng mataas na lagnat, ubo, sipon, pangangati ng lalamunan at nawalan din ito ng pang-amoy at panlasa.
Ayon sa ulat, Hulyo 14 nang mag-report ang guro sa paaralan kasama ang nasa 30 pang kasama sa trabaho upang tapusin ang kanilang performance rating at para sa kanilang training ng Google classroom.
Nakaramdam din ng sintomas ang iba pa niyang mga kasama na sasailalim narin sa COVID-19 test.
Kasalukuyan nang ipinasara pansamantala ang paaralan upang maisailalim ito sa disinfection na tatagal hanggang sa Agosto 3.
Dahil sa pangyayaring ito, nanawagan ang grupong TDC sa Department of Education (DepEd) na huwag na munang i-require na mag-report ang mga guro sa paaralan na nagiging dahilan pa ng patuloy na paglaganap ng virus.
Tulad na lamang ng ibinigay na halimbawa ng grupo kungsaan 20 guro sa probinsya ng Quezon na kasalukuyang naka-self isolate matapos makasalamuha ang isa nilang nakasama na positibo pala sa COVID-19.
Binigyang linaw naman ito ng Kagawaran ng Edukasyon na hindi nila inoobligang mag-report ang mga guro sa mga paaralan lalo na at may mga alternative work arrangements naman ang mga ito.
“It is reiterated… that physical reporting to the workplace [or] onsite is not mandatory, and shall be done in consultation with the personnel,” pahayag ni Education Undersecretary Jesus Mateo sa isang memorandum na inilabas noong Hunyo 24.
Samantala, ang ilang guro naman nakikipagsapalaran sa ‘new normal’ sa edukasyon, dahil sa hindi pa nga sila pinapapasok sa paaralan, kanya-kanya sila ng diskarte kung paano makakadalo ng online seminars o ‘webinars.’
Ang ilan ay umaakyat pa ng matataas na lugar makasagap lamang ng internet connection.(PTF team)