Advertisers
Sugatan ang dalawang katao sa pagsabog ng isang tangke ng alcohol na nasa isang pabrika ng kemikal sa bayan ng Calaca nitong Huwebes ng hapon.
Kinilala ang mga biktima na sina Denver Bakilan at Redforth Soneja. na nagtamo ng mga pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Sa report, nire-repair ng dalawa ang isang walang lamang tangke ng ethanol na nasa loob ng Balayan Distillery Inc., sa Brgy. Talisay ng bigla na lamang sumabog ang isang tangke na nasa tabi ng dalawa.
Agad sumiklab ang apoy at naabot ang mga ito.
Tuluyan ding lumaki ang apoy at nasunog ang mga katabing tangke at iba pang mga kagamitan.
Matatandang noong nakaraang July 4, nasunog na rin ang ilang bahagi ng naturang planta nang tamaan naman umano ng kidlat ang isa sa mga ethanol tank.
Inaalam pa ng mga tauhan ng Calaca Bureau of Fire Protection ang pinsala sa panibagong sunog. (James de Jesus)